Amberleigh Natigilan din ako nang makita ang mga Kasama kong may tiningnan na nakakatakot kaya napasunod na lang ako ng tingin ung nasaan sila nakatingin. Agad akong napatayo nang mapagtanto ko kung sino ang tinitingnan nila. Si Levi, madilim ang awra nito. Galit ang tingin nito mula sa kinaroroonan ko. Naku! Lagut. Ginabi na pala ako nang hindi ko namamalayan. Agad akong kinabahan nang hindi ko malaman ang dahilan. Parang ang gaan lang ng mga hakbang nito patungo sa akin na agad akong hinablot sa aking kamay. Muntikan pa ako mapadiin sa kaniyang dibdib. Napakadiin ng pagkakahapit ng kaniyang kanang braso sa aking baywang. "Let's go!" Ang turan ni Levi na halos habulin ko na ang mga lakad ko sa pagsabay sa kaniyang malalaking hakbang. Nakakahiya. Hindi ko na nagawang magpaalam sa

