Amberleigh Bumabiyahe na kami ngayon pabalik ng mansyon. Hindi ko alam kung ano pa ang binabalak ni Levi sa akin o sa aming dalawa na ngayon ay kasal na kami. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kasamahan ko sa trabaho. Hindi ko pa naman nailigpit ang mga gamit ko sa lamesa ko. Si Nixon, hindi ko siya nakita simula noong araw ng kasal ko. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Makakabalik pa kaya ako sa kompanya? Napabusangot ako. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Napapansin ko kasing unti-unti ng nawawala ang mga bagay na naging parte ng buhay ko. "Next week will be your check-up. I will pick you up." Boses ni Levi na ikinalingon ko. Hindi ko rin naman siya tiningnan ng matagal at muli kong ibinaling ang tingin mula sa labas ng bintana ng sasakyan. Nagmamaneho siya at tanging dal

