Manang, nasaan nga pala si Kuya Mags? Hindi ko yata siya nakita pagdating ko,” agad na tanong ni Amberleigh nang mapansin niyang wala nga si Mags. Hindi rin naka-park sa garage ang sasakyang minamaneho ni Mags. “Iha, hindi mo pa ba alam? Tinanggal na siya sa ng asawa mo sa kaniyang trabaho,” malungkot na sagot ni Manang Rossy. “Ano po?!” Nang malaman ni Amberleigh ang nangyari kay Mags ay hindi na tinapos pa ang ibang sasabihin ni Manang Rossy dahil agad na hinanap ni Amberleigh si Levi para komprontahin ito. Sakto namang nasa kuwarto si Levi pagpasok ni Amberleigh at hindi pa ito nakaalis. Ang bilin kasi ni Levi sa kaniya na ihahatid lang siya nito at hindi na ito mag-stay sa mansyon. “Levi!” tawag ni Amberleigh kay Levi sa mataas na boses. Agad naman napaharap si Levi dahil katatapo

