Amberleigh's POV Nakabalik na ako sa aming department building. Hindi na kami gaanong busy dahil katatapos lang ng mga ginawa namin para nitong mga huling buwan ng taon. Ang bagong release na designs for fashion year. Inihanda ito para sa susunod na taon at ayon kay Levi na may approval na iyon mula sa kaniya kaya bago matapos ang taon baka nasa marketing na ito. Kahit pa sa mga pangyayaring pagkaroon ko ng mga sintomas ng pagbubuntis ay hindi pa rin iyon naging hadlang upang hindi ako makagawa ng ideya para sa bagong proyekto. Ito na ang kinahihiligan ko at pinangarap kong gawin na kahit hindi ko man natapos ang pag-aaral ko ay palihim ko naman iyon pinag-aralan. Hindi ko na pinilit ang sarili ko na tapusin ang pag-aaral ko. Nang mawala ang magulang ko nawala ako sa huwistiyo at naging

