"Makinig ang lahat!" Ang malakas na boses na tawag ni Marry Anne sa kaniyang ka-team. Tiyempo namang walang ginagawa ang mga ito na nagkukumpulan lang upang mag-chikahan. Napatingin naman ang mga ito kay Marry Anne. "Makinig ang lahat sa sasabihin ko," ang panimula ni Mary Anne sa kaniyang team. "Magkakaroon ng pagpupulong bukas ang lahat ng departamento rito sa LHUX Modeling Magazine Company Inc. kaya iniimbitahan ang lahat na dumalo dahil bukod sa nasabing pagpupulong ay isang mahalagang okasyon daw ang gaganapin kasabay ng programa tungkol sa bagong ini-release na designs of fashion looks na inilabas na nga sa marketing." "Wow..." Sabay-sabay pa na sabi ng lahat. "Kung ganoon Maam Anne, malalaman natin kung malakas ba sa marketing 'yong bagong projects na ginawa natin?" tanong ni Tin

