Lulan na nga ng sasakyang BMW sina Amberleigh at Levi. Hindi si Levi ang nag-drive kun'di ang personal assistant nito na si Harry. Si Harry na rin ang sumundo kay Amberleigh sa kanilang department paglabas niya na iniscourtan din ng dalawang guwardiyang tauhan ni Levi si Amberleigh. Nagtaka pa si Amberleigh nang makita ang nakabendang kamay ni Levi nang makasakay siya sa sasakyan. Nasa back seat silang dalawa nakaupo at magkatabi lamang. Pagkakita ni Amberleigh sa kamay ni Levi na nakabenda ay agad siyang nag-alala rito kaya akma niyang hahawakan sana nang ilayo ito sa kaniya ni Levi. "Don't touch it!" galit ang boses na wika ni Levi. "Ano'ng nangyari riyan sa kamay mo? Bakit may benda 'yan?" tanong ni Amberleigh na may pag-alala. Napasilip naman sa dalawa sa salamin si Harry. Hindi s

