PROPOSAL (Part 2) Pagdating nila sa ground floor ng function hall sa LHUX Company Building ay laking pagtataka pa ni Amberleigh na marami na ngang tao ang naroon. Pero ang mas ipinagtataka niya ay siya lang ang nakasuot ng casual na kasuotan habang ang iba ay naka-formal attire lang na dadalo sa isang mahalagang okasyon katulad na lamang ng birthday ng mababang tao lamang. Walang nakasuot ng kapareha sa kaniya. Napuna naman siya ng karamihan lalo pa't naka-escort sa kaniya si Harry at ang apat na tauhan ni Levi. Naiilang talaga si Amberleigh nang makapasok na siya. Pinagtitinginan siya tuloy ng lahat. Sobrang nakakahiya. 'Ano ba kasi ang mayro'n bakit ako lang nakasuot ng ganito?' Pagmamaktol na bulong ni Amberleigh sa kaniyang sarili. "Maam, dito po ang upuan ninyo." Paggiya ni Harry ka

