Amberleigh Bumalatay ang kaba sa akin. Lalo akong nakuryinte bigla nang kunin niya ang kamay ko at hilahin pabalik sa inuupuan kong tables and chairs for VIP. Napasunod na rin ako ng upo nang hilahin na ako ni Levi para maupo kami. Hindi ko na rin nagawang sulyapan pa si Nixon dahil kabadong-kabado na ako sa itsura pa lang ni Levi. Pero nang mapalingon ako sa mga kasamahan ko ay lihim silang nagtitilian. Sumesenyas ng katanungang hindi ko naman maintindihan. Kung ano man iyon ay natitiyak kong malaki ang pagtataka nila na tila magkasama kami ng Boss namin at katabi ko pa sa pag-upo. Nginitian ko na lang sila ng alanganin. Hindi kasi maaaring sagutin ko sila lalo pa na katabi ko ngayon si Levi. Ilang saglit pa at nagsimula na ang programa. Ang sales ng kompanya at ang highlights sa bag

