Hindi pa rin makapaniwala si Amberleigh hanggang ngayon sa naganap na proposal ni Levi sa kaniya kahapon. Para siyang bata na yakap-yakap ang unan habang kumikislap ang matang nakatitig sa kaniyang palasingsingan na may suot na sing-sing. Ang engagement ring kuno na ibinigay sa kaniya ni Levi kahapon. Tantiya niyang mamahalin ito at hindi birong ordinaryong sing-sing lang. Makatotohanan ito kaya totoo ang lahat ng iyon kahapon at hindi lang din si Levi nagbibiro sa kaniya. Matapos ihatid ni Levi si Amberleigh sa Penthouse nito ay agad din umalis si Levi kasama ang personal assistant nito na si Harry. Naiwan na lang sa kaniyang kuwarto si Amberleigh nang gabing iyong matutulog na siya pero hindi pa rin siya makatulog. Ito ang pinangarap niya noon pa man na hindi niya inaasahang mangyayar

