Nixon Binalewala ko ang mga sinabi sa akin ni Tita Vivian kagabi. Hindi ako nagsalita pa ng kung anu-ano dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan at malimutan ko ang salitang respito. Lasing akong nakatulog kagabi habang iniisip siya hanggang sa magising na lang ako. Iisa lang ang laman ng utak ko. Napasapo ako sa aking noo. Kumikirot ito. Iyon ang mahaba-habang pag-inom na ginawa ko kagabi. Hindi ko alam na ganito pala talaga ang tama nito kapag nasubrahan. Hindi ko na naisip pa ang idudulot ng alak sa sistema ko, ang tanging naramdaman ko lang ay hindi ko batid ang ano pa man. Basta ang alam ko, nagugustuhan ko katagalan ang pag-inom. Parang nagiging comfort zone ko sa tuwing may dinadamdam ako. Hindi ako naniniwala sa ganito noon pero ngayon ay napatunayan ko na... Nakaupo pa rin a

