"Bumaba ka na. I'm starving," ani Levi kay Amberleigh. Kusa na siyang bumaba sa driver seat at hindi na hinintay makababa man lang si Amberleigh. "Ah, teka lang-" magsasalita pa sana si Amberleigh pero iniwanan na siya ni Levi. Nagmamadali na itong pumasok sa isang malaking gusali. Nasa isang mamahaling Condo sila kung hindi nagkakamali si Amberleigh. Napasilip lang siya mula sa labas ng salamin ng kotse. Sa mismong entrance ng gusali inihinto ni Levi ang kotse. Biglang may kumatok sa salamin ng kotse. Nagulat man si Amberleigh ngunit lumabas na rin siya. Yumuko sa kaniya ang tila call boy na nakasuot ng pormal na uniporme. Kung hindi siya nagkakamali, employee ito sa gusali na 'to. Gusaling sa tingin mo pa lang ay napakarangya na. Nabibilang ito sa sikat na unit na hindi na sakop na

