"Ang totoo niyan... Ang totoo niyan kasi ay... Buntis ako, Nix." Diretsahang pagtatapat na ni Amberleigh kay Nixon. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Ayaw na niyang paglihiman ito dahil sumatutal ay kaibigan niya rin naman ito. Ito lang ang pinagkakatiwalaan niya simula no'ng nakilala niya itong si Nixon Adrales. Kahit kaibigang lalaki pa niya ito. Kay Nixon lang niya nasasabi ang lahat at naipapakita ang kung ano mang pag-uugali ang mayroon siya. Nawala ang magandang awra ng mukha ni Nixon. Lumuwag bigla ang pagkakahawak niya sa kamay ni Amberleigh. Nabigla rin si Amberleigh sa kaniyang nakikita ngayon kay Nixon. Nasaktan yata niya ang kaibigan. Ang mga kamay ni Nixon na lumuwang sa pagkakahawak sa kamay ni Amberleigh ay tuluyan na ngang napabitawa sa kaniyang mga kamay. Napakuyom

