Kinabahan si Amberleigh nang makita niya si Levi na dumating. Biglang tumambol ng malakas ang kaniyang puso. Hindi sa takot o ano pa man, hindi niya lang talaga alam ang kaniyang nararamdaman ngayon. Sa pagkaalala pa niya, ang huli nilang pag-uusap ni Levi ay naging sagutan pa iyon. Galit si Levi sa kaniya at hindi nga niya alam kong ano na rin ang nangyari kay Nixon dahil nakalimutan niya na wala pala siyang kuntak dito. Hindi niya ito matawagan maging sa opisina dahil baka ma-trace ito ni Levi at malaman pa nito na kumukuntak siya sa roon sa kanilang department. Kahit ang maka-bonding man lang at makasama ang kaniyang mga katrabaho ay hindi na rin niya nagawa. Hindi na siya nakabalik sa kompanya . Dumagundong ang boses ni Levi sa loob ng mansyon. Um-echo ito hanggang sa taas na umabot p

