Magdadalawang-buwan na bukas na nakakulong si Amberleigh sa mansyon. Nangungulila pa rin siya kay Levi dahil wala pa rin ito at isang beses lang tumawag sa mansyon na si Manang Rossy ang nakasagot. Via landline lang ang pagtawag nito. Alam naman nito ang kaniyang cellphone number pero hindi naman nag-reply roon si Levi o tumawag. Parang nahahalata na nga ni Amberleigh ang ginagawa sa kaniya ni Levi. Sinasadya ba talaga nito? Baka hindi pa tapos ang galit nito noong nalaman niya na magkasama sila ni Nixon na umalis. Hindi ni Amberleigh inaasahan ang araw na iyon. Nagpasalamat pa nga siya at si naman an siya ni Nixon dahil kung hindi, ano na lang ang mangyayari sa kaniya? Wala man lang kasing balak si Levi na sa Shan siya kahit wala nitong importante ang lalakarin niya. Para iyon sa kanilan

