Pinahatid ni Levi si Amberleigh kay Patrick pabalik ng mansyon. Sa kawalan ni Levi ng panahon lalo pa ngayon na nagbubuntis si Amberleigh ay hindi na niya ito mapagtuunan ng pansin kaya para sa kasiguruduhan ay pinabalik niya sa mansyon si Amberleigh. Tinawagan niya rin si Manang Rossy upang bilinan itong huwag palabasin ng mansyon si Amberleigh hangga’t walang pahintulot mula sa kaniya. Hangga’t maaari’y ipaalam sa kaniya ang mga ginagawa nito. Walang nagawa si Manang Rossy kun’di sundin ang utos ng alaga dahil sa kaniyang parte’y subra ang pag-aalala ng alaga niya sa asawa nito kaya hindi na nito masusubaybayan ang asawa. Napapailing na lang sa kaniyang ulo si Manang Rossy. Labis din ang pag-aalala niya sa kaniyang alaga. Hindi sana humantong sa hindi magandang kalalabasan ang paglagay

