Nagising na lang si Amberleigh sa gulat nang mapagtanto niyang may kakaiba siyang naramdaman. Nakatulog pala siya kagabi sa kaiiisip at pag-aalala na mayroong ginawa si Levi kay Nixon. Hindi na siya nakalabas ng kuwarto dahil ini-locked ni Levi iyon. Napapaisip pa siya na malaman na hindi pumasok si Levi sa kuwarto para matulog na sadyang ikinulong talaga siya nito para hindi siya lumabas. Hindi naman siya nagtatangkang tumakas dito. Mali ba ang naising makapagliwaliw at may kasama ka man lang kahit iyong kaibigan? Ipinilig ni Amberleigh ang kaniyang ulo. ‘Kahit kailan naman talaga ay hindi naman niya ako pinasyal ng ganoon. Hindi kagaya sa ginawa ni Nixon. Pinasaya niya ako ng araw na iyon.’ Bulong pa ng isip ni Amberleigh. Napangiti pa siya. “Pero hindi mo akalaing sa kabila ng kasiya

