Hindi man ni Levi hinawakan si Amberleigh sa tindi ng kaniyang galit ngunit ang kaniyang matalim na dila naman ang nakakasakit. Tinalikuran ni Levi si Amberleigh habang napakuyom siyang muli. “The stubborn you are, the furious I am.” Napalingon tuloy si Amberleigh sa sinabing iyon ni Levi na ikinaalerto niya. Kinabahan siya na parang may mangyayaring hindi maganda. “Stay here. Don’t leave,” utos ni Levi kay Amberleigh. Ang nababahalang anyo ng mukha na lamang ni Amberleigh ang makikita na hindi na niya naisatinig pa ang gusto niyang itanong kay Levi. Kung ano’ng binabalak nitong gawin dahil bigla-bigla na lamang siyang kinutuban. Ngunit wala na si Levi sa kaniyang harapan, ang pagsara na lang ng pinto nito ang kaniyang natunugan. Doon lang si Amberleigh natauhan na baka may gawin i

