Paroon at parito si Levi habang hawak sa isang kamay nito ang kaniyang cellphone. Ang kaniyang isang kamay naman ay nasa kaniyang baywang, nakapameywang. 5pm na ng hapon. Kaninang tanghali ay tumawag din si Levi kay Amberleigh ngunit panay lang ang pagtunog ng cellphone ni Amberleigh at dahil sa abala pa si Levi ay hinayaan na niya muna. Binalikan ni Levi sa pagtawag si Amberleigh ng hapong ito at hindi niya rin makuntak. Hindi niya ugali ang magpadala ng message rito pero ngayon ay mukhang gagawin nga niya. Levi sent a text message to Amberleigh. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang cellphone na animo’y dito niya binuhos ang umuusbong na niyang galit. Tiyempo namang may kumatok sa pintuan ng opisina ni Levi. Pagkatapos pumasok roon si Karis, ang kaniyang sekretarya. “Where’s Harry?

