Nakatayo si Amberleigh na nakatitig sa dulong silid. Ang silid na Librarian sa mansyon at opisina na rin ni Levi. Nanatili siyang nakatayo sa may hagdanan habang nakatingin pa rin sa pintuan ng silid na iyon. Matapos ang kaniyang malalim na pag-iisip ay inihakbang na niya ang kaniyang mga paa ngunit sa paghakbang niya ay bumukas naman ang pintuan ng Librarian Office na saktong iniluwa roon si Levi at nagtagpo ang kanilang paningin. Natigilan silang dalawa. Nagkatinginan. Subalit nag-hesterical bigla si Amberleigh at agad kumaripas ng takbo paalis. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Levi. "So childish." Ang na i-wika na lang ni Levi sa kaniyang sarili. Papasikat pa lang ang araw, may kausap agad si Levi sa kabilang linya sa may salas. Siya ang nakasagot sa tawag mula sa landline. Maaga s

