"Ano ba'ng nangyayari roon kay Amberleigh. Dali-daling bumaba sa hagdanan. baka mapano iyon?" tanong ni Manang Rossy kay Levi na ngayon ay nakababa na at nakapagbihis. "Where is she, Mama Rossy?" tanong ni Levi pabalik. "May ginawa ka ba roon, ha, bata ka? Parang umiiyak si Amberleigh," parang nagngangalit na sabi ni Manang Rossy kay Levi. "No. I didn't do anything," inosenteng sagot naman ni Levi. "Oh siya't kakain na tayo. Puntahan mo na si Amberleigh. Hindi puwedeng malipasan iyon ng kain dahil kanina pa iyon walang kinain," turan ni Manang Rossy kay Levi. "Okay." Kibit-balikat lang na Levi at nakapamulsa itong hinanap si Amberleigh sa mansyon. Napakalawak ng labas ng mansyon. Alangan naman na lumabas si Amberleigh sa malaking gate. Marahil nagpapahangin lang iyon. Kaya nagsimula

