"Babalik na ba tayo sa mansyon?" tanong ni Amberleigh nang nasa kahabaan sila nang highway pabalik nga ng mansyon nina Levi. Hindi binalingan ng tingin ni Levi si Amberleigh pero sumagot naman ito. "Yup. I'll drop you there dahil may kailangan pa akong puntahan." "Gano'n ba..." mahinang sagot ni Amberleigh. Napuna naman ito agad ni Levi. "You can't go with me, just stay in the mansion," bilin ni Levi kay Amberleigh. Hindi na umimik si Amberleigh kun'di tumango lang. Dati naman kahit bago pa lang sila na nagkita ni Levi ay nagsusuplada na siya rito pero bakit ngayon ay hindi niya magawang manlaban man lang dito. Parang sakto lang ang ikinikilos niya. May katamlayan din siyang naramdaman. Para ngang wala siyang kasiglahan subalit pinipilit lamang niya. Marahil sa bata ito nanggagaling.

