"Manang?" Tawag ni Amberleigh kay Manang Rossy. "Oh, bakit Iha? May gusto ka pa bang puntahan?" Agad namang sagot ni Manang Rossy ngunit patanong naman sa huli. "Ahm, itatanong ko lang sana kung uuwi na po ba tayo?" Muling tanong ni Amberleigh kay Manang Rossy. "Bakit Iha, may gusto ka pa bang gawin?" Tanong na naman pabalik ni, Manang Rossy. Tila nagdadalawang isip pa si Amberleigh bago niya sinagot si Manang Rossy. "Gusto ko sanang bisitahin ang... " Natatawa na lang si Nixon sa pagbabalatkayo ni Amberleigh. Nasa isang kainan sila ngayon malapit lang sa LHUX Company Building. Nag-request kasi si Amberleigh kina Manang Rossy na pupunta siya sa kaniyang dating pinagtatrabahuan para makita man lang ang mga kaibigan niya roon. Sumang-ayon naman si Manang Rossy. Sa pakiusap naman ni

