Napatikhim naman ang Daddy ni Nixon kaya natigil ang tinginan ng dalawa. "Nais kong pag-usapan natin ang takbo ng kompanya lalong-lalo na ang pamamasukan ni Nixon sa inyong kompanya Arthuro na pinagmamay-arian ngayon ng iyong anak na si Levi," basag ni Ginoong Rome sa saglit na katahimikan. "Oo nga naman Levi. Kumusta ang trabaho ni Nixon? Nasa kompanya mo siya, hindi ba?" segondang tanong ni Ginoong Arthuro. "Yes, Dad. But regarding that..." Sabi ni Levi na napatingin kay Vivian. "I leave it to Vivian. She takes care of it." "Ah, y-yes Kuya Rome. Sir Levi is right. Ako na po ang nakasubaybay kay Nixon. And expected mo na iyon Kuya kung ano ang resulta. Alam mong madaling matuto si Nixon kapag seryoso lang siya sa ginagawa niya," pahayag agad ni Vivian. Ikinangisi ni Levi ang sinabi

