"Hija, gumising ka na." Yugyog ni Manang Rossy sa balikat ni Amberleigh. Bandang alas nuwebe na ng umaga. Napakainit na sa labas at hindi iyon pansin ni Amberleigh dahil malamig ang loob ng kuwarto. Higit pa roon ay natatakpan ng kurtina ang pintuan paglabas ng terrace ng kuwarto. Masisilayan lang ang nasa labas ng terrace kapag hinawi ang mataas at makapal na kurtina. At iyon na nga ang ginawa ni Manang Rossy. Hinawi niya ang mga kurtinang nakatakip sa double door ng pintuan sa terrace. Agad naman nag-reflect ang sinag ng araw mula sa labas dahilan para magising si Amberleigh. Nahirapan pa si Amberleigh buksan ang kaniyang mata. May kabigatan pa ang kaniyang mga talukap. Ngunit pinilit pa rin niya ang bumangon dahil sa naramdaman na nga niya ang init sa kaniyang balat na tinatamaan na ng

