"Gusto ko lang sana tanungin kung... Kung kailangan mo pa ba talaga akong isama sa pagpunta mo sa family mo?" panimula ni Amberleigh sa kaniyang tanong na wala na ngang pagliligoy pa. Napatigil sa pagtipa si Levi sa kaniyang laptop. Nakita niyang napahinga ng malalim si Levi at bumuga ng hangin. "So, what do you mean by that? Huh?" pabalik na tanong ni Levi kay Amberleigh. Mahihimigan ang pagkalamig ng boses nito. "A-Ang ibig kong sabihin na puwede naman akong hindi sumama sa 'yo, 'di ba?" pagkaklaro ni Amberliegh na kakabahan pa yata siya. Napasandal si Levi sa kaniyang swivel chair at ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. "And, why would I?" Patanong na naman ni Levi na ikinailang ni Amberleigh. Wala maibigay si Amberleigh na karapatdapat na rason dito. Ano nga ba? Bulong na tanon

