"Ikaw si Amberleigh Mortelle? Amberleigh ba kamu?" ang hindi makapaniwalang pag-uulit na tanong ni Maam Lina, ang Mommy ni Levi. "Ah,o-opo. Amberleigh po ang pangalan ko. Ikinagagalak ko po kayong makilala, Maam?" Alanganing salita ni Amberleigh kung ano ba nga ba ang itatawag niya rito sa Mommy ni Levi. Bakas ang tuwa sa mukha ng ginang nang makaharap niya si Amberleigh. Pagkatapos ay binalingan nito si Levi. "Hijo, siya ba 'yong naikuwento mo rati sa 'kin. Ito na ba siya?" panigurado pang tanong ni Ginang Lina kay Levi. Tumikhim si Levi. "Ah, Mom. Let's not talk about that. Tinupad ko lang ang kahilingan ninyo kaya I bring her with me. She will be my future wife," pagpapakilalang muli ni Levi kay Amberleigh. Ang kamay nilang dalawa na pinagsiklop ay pilit na kumakawala rito si Ambe

