Umikot naman ang eyeballs ng bading. "Haru, dios ko! Heto na naman tayo sa mala-ginoo ng isang Adrales, Nixon." "Tumigil ka nga riyan Cris, pinagsasabi nito," saway naman ni Sheena. "E, bakit? Lagi siyang gan'yan kay Ms. Mortelle samantalang ako hindi man lang magka-concern." Nilingon ni Nixon si Cris. Pinukulan niya ito ng nakakadismayang tingin. "For your clarification. I'm sorry but hindi ako pumapatol sa bakla." Hinampas ni Cris sa balikat si Nixon. "Hala, grabi naman nito. Ang harsh mong magsalita uh, hindi ako nasaktan." Tumawa naman sina Sally at Sheena. Inirapan naman ng baklang si Cris saka umalis sa kanilang pinagkukumpulan. "Oh siya mauna na ako sa inyo. Ayos na lang man din si Ms. Mortelle," paalam na ni Cris. "Ikaw kasi, hayan tuloy nasampal ka ng katotohanan. Ba't

