"Baby, ang saya-saya ko no'ng malaman kong ikaw 'yan kaya lang ay... Masaya rin kaya ang ama mo kung malaman niya ang tungkol sa 'yo?" Kausap ni Amberleigh sa kaniyang sarili habang hinihimas niya ang kaniyang tiyan na may munting bukol na nga. Hindi naman iyon napaghahalataan sa tuwing pumapasok siya sa trabaho dahil may kaluwangan naman ang isinuot niyang damit pantaas. Nakasuot man siya ng pantalon ngunit naka-garter naman ang waist line nito. Matutulog na si Amberleigh nang mga sandaling ito kaya bago siya hihiga ay kinausap na muna niya ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Gumagaan ang pakiramdam ni Amberleigh sa tuwing ginagawa niya ito. Pakiwari ba'y ito ang nagtatanggal ng kaniyang pagod kahit ano'ng kapaguran pa iyon. "Tama, kailangan kong sabihin sa kaniya iyon para malaman

