Chapter 1
Amberleigh's POV
Dahil sa wala na rin naman ang mga magulang ko, kailangan ko na ang kumayod upang mabuhay. Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo kaya kahit papaano ay natanggap naman ako bilang staff ng isang malaking kompanya. Hindi ganoon kataas ang posisyong iyon bagaman sapat na iyon para sa sasahurin ko. Alalay lang ako sa nasabing kompanya. Isa itong Magazine na trend ngayon na mga kasuotan. Batid kong hindi ako gaanong may kaalam pagdating sa fashionista. Pero sapat na rin para hindi ako mahuhuli sa mga galawang fashionista sa mundong 'to. Ang mahalaga, may trabaho ako para mabuhay ko ang sarili ko. Hindi ko pa binalak magpakamatay. May pangarap ako na dapat kong tuparin. Iyon ang ipinangako ko sa magulang kaya nararapat lang na magtagumpay ako. Kaya ko 'to.
Huminga ako nang malalim matapos ko tanawin ang napakataas na building sa lungsod ng Gumaran City. Mahigpit isang taon na rin akong empleyado rito kaya natutuwa kahit papaano ay hindi ako pumalpak sa trabaho ko. Hindi man ganoon kaganda ang posisyon ko at parang isa lang akong Assistant ng Head Editor sa Modeling Magazine. Utusan at minsan nag-e-edit din dahil kahit wala akong natapos para sa kagaya ng posisyon ng katrabaho ko ngunit maalam naman ako. Gusto nila akong ilipat dahil sa aking performance pero hindi ako pumayag dahil kalabisan ito at hindi patas para sa mga katrabaho ko na nakatapos. Alam kong para-paraan na ngayon ngunit ayokong abusuhin ito.
Matindi na ang sikat ng araw. kaya nagmamadali na akong pumasok sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Nasa 15th floor pa ang building ng aking pinagtatrabahuan kaya sumasakay pa ako ng elevator. Nasa hall way pa ako nang may tumatawag sa pangalan ko. Lumingon ako para makita kung sino? Si Nixon pala, ang makulit na kasamahan ko sa trabaho. 'Kung gano'n ay late rin siyang tulad ko?' bulong ko sa akin sarili.
Huminto ako at hinintay siya.
Nang makarating na siya sa puwesto ko ay lumawak itong napangiti.
"Sabay na tayo," ang bungad na sabi nito sa akin. Tumango naman ako.
Tumango lang ako saka nauna na akong pumasok sa loob ng elevator nang tumunog na ito upang bumukas. Sumunod naman si Nixon sa akin. Alam kong matagal na siyang may gusto sa akin dahil sa kaniyang mga pasaring pero kadalasan naman ay gumagawa ng kalokohan sa akin. Palagi niya akong pinag-t-tripan. Pero hindi ito kailanman nagtapat sa 'kin ng nararamdaman nito.
End of POV
Naiintindihan niya ito dahil likas na mahiyain ito kahit pa ganito ito umakto.
At ipinagdarasal niyang huwag na nga itong magtapat dahil hindi siya bulag para hindi mapansin ang mga bagay-bagay kay Nixon. Hindi naman sa hindi niya ito gusto pero kaibigan lamang ang turing niya rito.
Pero isang milagro para sa kaniya sa araw na 'to ang hindi pagbibiro sa kaniya ni Nixon. Tahimik lang ito na kasabay niya sa elevator hanggang sa tumunog na nga ito at bumukas sa 15th floor. Nauna pa ring lumabas ng elevator si Amberleigh at sumunod pa rin sa kaniya si Nixon. Tahimik pa rin ito na ipinagtataka ni Amberleigh pero binalewala niya lang niya iyon. Hindi na niya itinanong pa ito kung bakit? Sabay pa rin silang naglalakad patungo sa loob ng kanilang department. Pagdating nila ay naroon na ang kanilang mga kasamahan. Late na sila pero abala pa naman ang mga ito sa pag-t-tsimisan. Napatingin ang mga kasamahan sa kanila nang makita silang sabay na pumasok.
Nagbatian naman sila sa isa't isa.
"Magandang umaga rin," ang sagot ni Amberleigh sabay pagyuko sa kaniyang ulo saka tinungo na niya ang kaniyang sariling table.
"Leigh, pa-copy naman nito, oh. 20 copies lang. Salamat." Utos sa kaniya ni Sally, ang isa sa kasamahan niya sa kaniyang trabaho. Tango lang ang itinugon ni Amberleigh sabay ng kaniyang pagngiti.
Umupo na sa kaniyang upuan si Amberleigh at sinimulan ang pag-arrange ng mga gamit sa kaniyang table. Tiningnan na muna niya ang kaniyang suot na relo sa kaniyang wrist bago tumayo para gawin na ang mga gawain na nakatoka sa kaniya sa araw na ito.
Pagod at gutom ang laging nararamdaman ni Amberleigh sa kaniyang buong araw na trabaho. Kaya pagkatapos ng kaniyang trabaho ay sa turo-turo na lang siya kumakain. Bukod sa nakakatipid siya, masarap at nabubusog pa siya. Minsan kasabay niya si Nixon at ito na ang gumagastos sa kanilang hapunan. Kaya naman pasalamat siya kung kasabay niya si Nixon dahil nililibre na siya nito. Pero ngayon mag-isa lang siya dahil wala yata sa mood ang kaibigan niyang si Nixon. Hindi niya alam kung bakit? Pero hindi na lang niya ito nilapitan o kinausap. Para kasing wala ito sa sarili na parang may pinapasan na problema. Gusto man niya makatulong kung ano'ng problema mayroon ito pero nababahala siyang gusto nito ng espasyo kaya hindi na lang niya dinisturbo.
Nakauwi na siya sa kaniyang sariling bahay. Bahay na iniwan pa sa kaniya ng kaniyang magulang. Hindi ito ganoon kalakihan. Tama lang at tama lang din na hindi maitawag na mahirap o mayaman. O di kaya'y may kaya. Sa madaling sakto lang. Kinakailangan lang niya ang sumakay ng Bus para marating ang kaniyang tahanan na may kaunting kalayuan sa Gumaran City. Mas madali lang naman kung taxi ang sasakyan niya kaya lang may kamahalan ang pamasahe.
Nakatihaya siyang napahiga sa kaniyang sariling kama. Nakatuon ang kaniyang paningin sa kisame. Pagkatapos ipinikit niya ang kaniyang mata upang sariwain ang nakaraan na hanggang ngayon ay hindi niya malimutan. Iyon ang bahagi ng pagkatao niya na pinagsisihan niya buong buhay niya. Sinaktan niya ang sarili niya lalong lalo na may nasaktan pa siya. Nawala na nga sa kaniya ang lahat, hinayaan pa niya mawala ang nag-iisang lalaking minahal niya sa buhay niya. Hinayaan niya mangyari ang mga ito sa kaniya. Kaya kasalanan din niya na hindi niya puwede isisi sa iba.
Isang umaga nang abala sa pag-hang ng mga damit sa rock stand si Amberleigh, nilapitan si Amberleigh ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho. Tinabihan pa siya nito upang sikuhin kaya napangiti na lamang si Amberleigh.
"Bakit? Ano'ng atin?" tanong niya rito habang abala pa rin siya sa kaniyang ginagawa.
"Uy, Leigh? Alam mo na ba ang balita, huh?" Tanong naman nito pabalik na tila ibinulong pa kay Amberleigh.
Natigil naman si Amberleigh at napatingin kay Yza, ang maarting kasamahan niya sa trabaho.
"Ano'ng balita?" takang tanong naman ni Amberleigh. Ni walang makasagot at halos palitan lang ng tanong sa pagitan nilang dalawa.
Umakto itong tila kinilig bago ito sumagot.
"Ba't ganiyan ang reaksyon mo? Baliw ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Amberleigh na hindi niya mawari kung may sakit ba sa utak itong si Yza. Para kasi itong isusugod na sa mental hospital dahil sa itsura niyang nilulubid ang hibla ng kaniyang buhok sa isang daliri nito saka parang tangang ngumisi. Parang nakatitig pa sa kawalan.
Napapailing naman si Amberleigh.
Tatangkain na sana niyang umalis nang matapos na siya sa kaniyang ginagawa nang pigilan siya ni Yza.
"Ano? May sasabihin ka ba talaga?" Inis na niyang tanong dito.
"K-kasi..." nauutal pa na simula nito. "Balita kasi na... darating ang pinakamayamang may-ari ng lahat ng establishment dito sa bansa."
"At..." bigkas ni Amberleigh na tila binitin pa siya ni Yza.
"Siya rin kasi ang may-ari nitong sikat na building na pinagtatrabahuan natin lalo na ang Modeling Magazine, siya rin ang may-ari at tsaka," umakto na naman itong kikiligin. "Gusto ko kasi ang taong 'to. Napakayaman na at napakaguwapo pa. Walang katulad."
Muli'y napapailing si Amberleigh. Hindi niya alam kung ano ang ibibigay niyang reaksyon kay Yza.
"Well... Let's see what's next? Hm?" ang sagot lang niya saka iniwan na ito. Hindi naman nito namalayan na umalis na si Amberleigh dahil nag-i-imagine pa ito.
Sa isang malawak na silid naman sa isang sikat na Luxury Hotel & Restaurant sa Gumaran City, nasa isang mesa ngayon nakaupo habang nakatalikod ang may-ari niyon na nakatanaw sa labas ng glass wall. Nakatingin ito sa malawak na syudad kung saan kitang-kita ang malawak na siyudad. Nasa pinakadulong bahagi ng palapag ito ng 30th floor kaya napakataas nito.
Pumasok si Harry, ang personal na utusan nito kahit may Secretary siya sa kaniyang mismong kompanyang sentro ng kaniyang ipinapatakbong negosyo.
"Sir? Good day po," bati nito. "Nakahanda na po ang pagdaraos ng nasabing okasyon sa susunod na linggo," patuloy nito.
"Alright, then..." sagot naman ng Boss/CEO/Founder, ang may-ari.
"Sige, Sir. Ihahanda ko lang ang lahat." Paalam na ni Harry.
Wala ng salita na naging tugon mula sa may-ari. Kun'di tumayo ito at lumapit pa sa glass wall habang hindi tinatanggal nito ang pagkakatingin sa mga tanawing nakikita niya mula sa labas ng kaniyang glass wall. Sa loob lang ng kaniyang opisina na halos glasses ang pagkakagawa. Pero ang pintuan at labas ng opisina niya ay matibay na pader na hindi mo aakalaing halos glasses pala o babasaging gamit at iba pa ang nasa loob. Nakapamulsa pa ito habang nanatiling nakatalikod.
Nagpatawag naman ng Meeting ang Manager sa Modeling Magazine Department. Ang departamento kung saan soon nagtatrabaho si Amberleigh. Ipinulong sila para sa isang napakahalagang anunsyo.
"Today, inaasahan natin na maihahanda natin ang ating mga kakailangang gawin para sa bagong i-l-launch na proyekto. Kailangan may kakaiba kayong ideya para sa taong ito. Dapat makagawa kayo Bago pa man sumapit ang mga susunod na linggo. Kailangan nating maipasa ito. Darating na ang may-ari kaya dapat may maipakita tayong bagong artikulo kaya sana naman ay huwag kayong palpak? Understand babies ko?" Mahabang pahayag ni Vivian, ang isa rin sa napakaarte ang pag-uugali pagdating sa fashionista. Bukod sa napaka-fashionista ng dating nito ay gusto lagi na perfect ang araw, ang suot at lahat-lahat na. Dapat lang daw na good vibes lang 'ika-nga niya' kaya hindi na bago para sa kanila ang Vivian na ito.
Nagbulong-bulongan naman ang lahat matapos na sabay na sumagot kay Vivian. Pumalakpak naman si Vivian sa kaniyang kamay bago buwagin ang pagkakasabi nila sa pulong.
"Okay. Bumalik na kayo sa inyong mga trabaho at bukas na bukas ay may anouncement uli ako."
Saka kibit-balikat ang lahat na nagsibalik sa kani-kanilang mga trabaho.
'Ang may-ari ng Modeling Magazine. Bakit parang ang tense naman ng lahat? Sino ba talaga ang may-ari na iyon at parang ganoon na lang kung makapagbilin ng utos?' bulong ni Amberleigh sa kaniyang isip ngunit bigla ba naman siya tabihan ng swivel chair ni Nixon. Nasa mood na marahil ito dahil kuwela na itong tumabi sa kaniya.
"Ano'ng iniisip mo? Hulaan ko nga," at umakto itong nag-iisip talaga. " 'Yong may-ari siguro ang iniisip mo 'no?" pilyong tanong nito na ngumisi pa kay Amberleigh.
Ngumiwi lang si Amberleigh. Pinaikot pa niya ang kaniyang eyeballs na tila naiinis dito.
"Ano naman ang mayroon sa may-ari na iyon sa kompanya na siya pa talaga ang iisipin ko, huh?" galit-galitang sagot niya kay Nixon.
Inilapit naman nito ng bahagya ang mukha kay Amberleigh saka bumulong.
"Kasi nga sabi-sabi nila na malupit daw ang amo natin na iyon. As in, napakalupit kaya kung gusto mo pa ng ibang tip upang hindi mapagmalupitan, libre mo 'ko ng dinner mamaya." Saka mabilis itong umalis sa kaniyang puwesto kasabay ng pagpatakbo sa swivel chair na upuan nito papunta sa sarili ring table nito.
Nang-uuyam naman na sinundan ito ng tingin ni Amberleigh at hindi na siya nakaganti dahil sa mabilis na pang-aasar na naman nito sa kaniya. Naisahan siya roon ngunit talaga bang kilala niya ang may-ari at gano'n na lamang ito kung hamunin siya?
Kung gano'n nga, dapat pala maging mabait siya rito upang bigyan pa siya ng impormasyon patungkol sa may-ari ng kanilang kompanya. Interesante tuloy siyang malaman ito.
"Sir, ito na lahat ng files na kakailanganin ninyo lalo na sa Company Building ng Modeling Magazine na LHUX MAGAZINE." Inilapag ni Harry sa mesa ng kaniyang amo ang mga kakailanganin nito.
"Good. Thank you. I will call you again if there's anything else I want," sagot din ng kaniyang amo. Napaka-baritone voice nito. May matangos na ilong, Bata pa ang itsura dahil sa alaga nito ang pangangatawan lalo na ang balat nito. Mapula na ang labi, mga mata nito na medyo singkit. May biloy sa magkabilang bibig nito na malapit lang at lumilitaw sa tuwing ngumingiti ito. May mahahabang piluka at makakapal na kilay. Sa madaling salita, napaka-istrikto ng mukha nito na sa unang tingin ay matatakot ka. Katamtaman ang kaputian ng balay kaya naman medyo halata ang mabalahibong balat nito. Matangkad at sadyang may batas sa bawat making galaw kaya kinakatakutan ito. Wala lang babae ang nangahas dito kaya naman napakahirap kunin ang loob at mahalin ang walang iba na CEO/Founder na nag-iisang nag-mamay-ari ng lahat na under sa kaniya, si Levi Huxley. Bumalik na siya sa bansang kaniyang nilayuan noon.