Chapter 2
"Whos this?" tanong ni Levi sa kaniyang personal assistant. Inihagis niya ang isang folder na naglalaman ng ilang papel ng dokumento. Mga limang pahina lang iyon na napapaloob sa folder.
Nagulat man si Karis, ang kaniyang personal assistant ngunit nagtataka itong kinuha ang folder na inihagis lamang ni Levi sa ibabaw ng kaniyang table. Agad itong tiningnan ni Karis saka napakunot noong tinanong ang kaniyang Boss.
"Empleyado po ito sa main company ninyo. Bakit, Sir? May problema po ba rito?"
Napaarko ang isang kilay ni Levi.
"Tell me everything about her. What do you know about her? ang kaniyang muling tanong na nakapamulsa pa na pabalik-balik sa kaniyang paglakad. Parang hindi ito mapalagay ayon na rin sa kaniyang kinikilos.
"A-ang alam ko lang Sir Levi na hindi siya empleyado na nasa mataas na posisyon. Isa siyang utusan at gumagawa lamang ng maliliit na bagay kaya nanatili siya sa kaniyang trabaho. Dahil sa kasipagan niya kaya ganoon, Sir," pahayag ni Karis.
"And?"
Napahinto si Levi pagkarinig niya sa sinabi ni Karis. Naghihintay pa siya ng kasunod.
"Mahigit isang taon na siya roon sa kompanya mo, Sir."
"Bakit nasa mababang posisyon lang siya? In a Modeling Magazine? How could this be?" nagtataka pa ring tanong ni Levi.
"Undergraduate siya Sir ng college. Hindi nakatapos kaya sa ganiyang posisyon lang siya nanatili. Nais nga sana siyang e-promote ng Managing Team kaya lang tinatanggihan niya. Wala kasi siya sa degree level para akuin ang posisyon na hindi karapat-dapat sa kaniya." Mahabang sagot ni Karis.
Napaarko muli ang isang kilay ni Levi. Napamura pa siya ng mahina.
"She's stubborn. What principles does she has?" tanging na-i-wikang tanong na lamang ni Levi.
"Pardon, Sir?" alanganing tanong ni Karis sa pagpapaulit niya ng salita ng kaniyang Boss.
Kinlaru ni Levi ang tila bumabara sa kaniyang lalamunan imbes na sagutin ang kaniyang personal na assistant habang hawak-hawak sa kamay nito ang iPAd na naglalaman ng mahahalagang source na kinakailangan ni Levi.
Umupo si Levi sa kaniyang swivel chair at niluwagan ang suot na necktie. Nakasuot siya ng dark blue na slocks pants na tinirnohan ng pangtaas na parehong kulay ngunit nahubad na niya iyon. Tanging nakapaloob na lamang na puting polo long sleeve nito na itinupi pa hanggang siko. At makintab na Oxford shoes ang suot nitong sapatos sa paa. Nakasuot din ng mamahaling leather watch ang kaniyang kaliwang pulsuhan habang may nakatusok na maliit na brilyanteng hikaw sa kaliwang bahagi rin ng tenga ni Levi. Talagang nakakahulog-panga pagmasdan ang buong itsura ni Levi Huxley. Makikitaan mo ng kakisigan sa katawan, sa tindig at anyo pa lamang nito.
Ang 6-pack abs nito na kahit hindi mo nakikita ay talaga namang nakikita na ng mga mata mo dahil sa katakaman na humahapit sa suot nitong puting polo long sleeve.
"Nga pala..." tumikhim si Levi. "Kumusta nga pala ang isasagawang okasyon? Is their any good news about it?" pag-iiba ni Levi sa usapan.
Umayos naman sa pagkakatayo si Karis bago sinagot ang kaniyang Boss na si Levi.
"Um, yes Sir. Sa katunayan ay sa susunod na araw na 'yon kasabay ng bagong launch ng Men's Clothing (high-end-design) na ikaw na mismo ang gagawa."
"That's good." Tiningnan ang pambisig na orasan. "Check my other schedules today. Then, arrange my stuff that I need. Everything that I need in my main company. Babalik na ako roon," utos niya sa kaniyang personal assistant.
"Um, Sir-"
"Make it now!" putol ni Levi sa sinabi nito sa ma-awtoridad na boses.
"Y-yes, Sir. Right now. Ngayon din." Natatarantang sagot naman ni Karis na inulit lang niya ang kaniyang binigkas.
Pagkaalis ni Karis ay muling tiningnan ni Levi ang profile ng babaeng kinapopootan niya. Kinapopootan na pinanabikan.
"Bakit ba ganito ang suot ko? Napakaiksi naman nito. Bakit pa Kasi kinakailangan pa na magsuot ng gan'to?" pagrereklamo ni Amberleigh sa ka-close niyang si Nixon.
Lalaki ito pero nagagawa niyang ibuntong dito ang kaniyang mga kinaiinisan lalo na sa mga bagay na hindi niya gusto.
Nakasuot kasi ng Elegant Cocktail Dress si Amberleigh na pinaresan ng suot niya sa paa na Peep toe. Hindi naman siya ganoon katangkaran pero maipagmamalaki na sa height na 5'7.
Ito ang unang pagkakataon na magaganap ang Big Event na ang may-ari mismo ang mangungulo. Imbitado ang iba't ibang designers na maging sa ibang bansa man. Kaya tampok ngayon ang okasyong ito sa kahit na ano'ng media. Isang napakalaki't napakayaman na ang nagmamay-ari ng LHUX Modeling Magazine. Isang pinakasikat na kompanya ito na unang pinagkukuhanan ng desinyo ng pangkasuotang panlalaki. Maliban sa sentro ng launching ang disenyong kasuotang panlalaki, mayroon din itong disenyo ng pangbabae na makaraan lamang ng dalawang taon na-released na kasalukuyan na ngang mabenta ngayon sa mga artist at sa ibang sikat na modelo.
"Napakaganda mo nga sa suot mo. Bagay na bagay sa 'yo. Ngayon lang kita nakitang ganiyan ang isinuot." Papuri ni Nixon kay Amberleigh na sinuyod pa ng kaniyang tingin.
Natahimik naman bigla si Amberleigh sa ginagawa niyang pagkailang sa kaniyang suot.
"Loko ka, uh! Alam mong ang mahal-mahal nito at ito pa binili mo? Pa'no kita Ngayon niyan mababayaran, aber?" kunwari'y pangongonsensya ni Amberleigh sa kaibigan.
Ngumisi lang ito na may ibig ipahiwatig.
"Bakit? Sinabi ko ba sa 'yong bayaran mo?"
"At sa tingin mo ba na ipinamimigay lang ang gan'tong kalaking halaga?" Walang tigil pa rin na pagtatalak ni Amberleigh.
Naiingayan sa kaniyang bunganga si Nixon kaya tinakpan ng palad ng kamay nito ang bibig ni Amberleigh. Todo piglas naman si Amberleigh dahilan na pagtinginan sila ng mga ibang bisita sa paligid. Umayos naman pagkaraan si Nixon saka tuloy-tuloy na silang dumiretso sa kani-kanilang nakalaan na upuan.
Naayos na nila ang mga kakailanganin sa nasabing launching bago pa man ganapin sa araw na ito ang pinakamahalagang okasyon. Pinayuhan kasi ang buong department na maging presentable at hindi na magtatrabaho sa araw na 'to para naman masaksihan din nila ang naturang kaganapan. Kaya naging abala ang lahat sa nagdaang mga araw sa pagsasaayos ng lahat. Nag-overtime pa ang mga ito upang matapos ang kanilang trabaho. At ang kapalit ay ang pagsabay rin nila sa kasiyahan sa mismong araw ngayon. Lahat ay nanabik rin na makita at masaksihan ang pagbabalik ng nag-iisang Business Tycoon.
Pumailanlang na ang tugtugin sa buong paligid. Sinimulan na ang pagpapailaw sa main spot at sa mga ilaw pa na inilagay sa ibang sulok ng function hall na may iba't ibang kulay. Ang host ng event ay nagsimula na ring magsalita kaya sakto lang din na naroon na lahat ng bisita. Nagpalakpakan ang lahat na naroon. Unang ginanap ang mga modelong magdadala sa mga denisinyong kasuotan. Isa-isa na ngang rumampa ang mga ito na siyang ikinamangha ng lahat na nakakita. Patango-tango naman ang karamihan na nasa malalaking industriya pa, ibig sabihin lang no'n na napapabilib sila sa mga gawa ng isang binatang tycoon. Ito mismo ang may gawa kaya lalong nakakagulat talaga.
Matapos humilera ang mga modelo sa harapan ng T-Stage na taglay ng kanilang mga suot ang disenyong mula sa LHUX Modeling Magazine, ang kasunod ay ang pagpapakilala sa nagdisenyo at ang nagmamay-ari nito.
"And, now for the finale for this event. Let's all welcome the one and only, the owner, the CEO and the none other than... Mr. Levi Huxley of LHUX Modeling Magazine. Let's give him an applause.
Muling nagpalakpakan ang lahat na naroon na may kasabikan sa kanilang mga sarili. May bodyguards na nakaantabay sa harapan maging sa gilid ng stage. Makikita mo na protektado talaga ang Levi Huxley na ito.
Natahimik ang lahat habang hinihintay ang paglabas ni Levi Huxley.
Unang bumungad ang suot nitong makintab na sapatos sa paa. Ang suit nitong pangtaas at pambaba na mamahalin pero sa simpleng ayos lang. Hanggang sa tuluyan na ngang lumantad ang kabuuan nito. Ang buong mukha ni Levi Huxley na tumambad sa lahat. Isang nakakatakot ngunit pinakaguwapong mukha. Ngumiti nang sumalubong sa lahat dahilan para masilayan ng lahat ang nakakabighaning ngiti nito na may dalawang malalim na biloy malapit sa gilid ng kaniyang manipis na labi. Parang isang labi ng isang babae.
Natigilan ang lahat pero nagtitilihan naman dahil sa taglay na perpektong kaguwapuhan nito at katawan. Na tila ba wala na silang makita pa na gan'tong klaseng nilalang sa tanang buhay nila.