"Attention! Please, everyone!" Halos hiyaw na ngang tawag ni Vivian sa kaniyang mga employee. Agad naman tumingin sa kaniya ang mga katrabaho ni Amberleigh sa departamento na may halong pagtataka at tinginan din sa isa't isa. Marahil ay nagtataka kay Vivian ang mga ito. "Nandito ba si Ms. Mortelle?" tanong ni Vivian. Nagtinginan ulit ang mga ito. Si Marry Anne ng kanilang Department Head na ang nagsalita sa mga ito dahil naabutan niya ang katanungang iyon ni Vivian habang may dala-dala itong mga pahina ng magazine na tinitingnan niya habang naglalakad. "Maam Vivian, kanina pa wala rito si Ms. Mortelle." Tahimik saglit si Vivian. "Pumasok naman siya kanina hindi ba?" Muling salita ni Marry Anne. "Oo nga," sagot ni Vivian. "Inutusan ko siya kanina and dapat ay kanina pa siya bumalik

