Makalipas ang dalawang buwan. Palala nang palala ang tila kakaibang nararamdaman ni Amberleigh. Iba ang sakit na nadarama niya sa loob at labas ng kaniyang katawan. Pero nagkagano'n man palagi pa rin siyang pumapasok sa trabaho. Nahalata na nga ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho ang nangyayari sa kaniya kaya naman nag-aalala na rin ang mga ito lalong-lalo na si Nixon. Todo tanggi naman si Amberleigh na ayos lang siya at baka bunga lang nang palagi niyang pag-overtime. Umabot naman ito kay Vivian kaya binigyan si Amberleigh nang sapat na araw upang makapagpahinga. Pero katulad nang inaasahan ay hindi rin naging maayos ang kaniyang naging kalagayan. Napasama pa ito sa kaniya at mas naramdaman pa niya lalo ang kakaibang nararamdaman niya sa loob ng kaniyang katawan na hindi niya rin maintin

