bc

Bachelor Series 1 Luis Alcantara

book_age0+
5.3K
FOLLOW
47.5K
READ
love-triangle
friends to lovers
arrogant
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Bachelor Series

Luis Alcantara

Cover by: Jeth Cano

Luis Alcantara---the hottest ophthalmologist in town. Paasa man ang tingin ng nakararami sa kanya, ngunit sa mata ng kanyang mga pasyente, kaibigan at mga taong lubos na nakakakilala sa kanya, ay isa itong maawain at mapagmahal na doctor, kaibigan at anak.

Sophia Jimenez---ang babaeng nang-iwan kay Luis sa kabila ng pagmamahal ng lalaki rito. Sa kanyang pagbabalik, mabibigyan na kaya ng kasagutan ang mga tanong ng dating nobyo? Ano ang dahilan at bigla na lang itong nawala at ngayon ay bigla ring nagpakita?

Disclaimer:

Spg content. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Unedited Nasa loob ng kanyang clinic si Luis nang makatanggap ito ng tawag. Dahil hapon na at wala na siyang pasyente, nagpapahinga na lang ito. Kinuha niya ang cell phone sa ibabaw ng kanyang kulay puti na mesa. "Napatawag ka?" walang kagana-ganang sagot nito sabay sandal sa upuan. "May ibabalita ako sa 'yo," excited na saad ng kausap. "Siguraduhin mo lang na hindi ako maba-badtrip diyan sa ibabalita mo. Kung hindi, pupugutan talaga kita ng ulo kapag nagpakita ka sa akin." "Okay! Fine! Huwag na nga lang! Bye!" Pagbibiro naman ng kaibigan sa kanya. Sanay na rin ang mga ito sa pagiging mainitin ng ulo ni Luis. "Asshole! Ano ba kasi 'yan? Ba't 'di mo pa sabihin nang deretso?" naiiritang saad niya sa kausap. "She's back. Sophia Jimenez, is finally back." Nang marinig niya ang sinabi ng kausap, uminit ang buong katawan ni Luis. Ang babaeng kay tagal niyang hinanap kung saan-saan ay nagpakita na. Kay tagal niyang hinintay na bumalik ang dalaga sa kung saan mang impyerno ito nanggaling. Fuck that woman. Bumalik na siya! Humanda ka ngayon sa paniningil na gagawin ko. "Uy! Luis? Luis! Nandiyan ka pa ba?" tawag sa kanya ng kausap nang hindi na niya ito narinig na nagsalita. "Nasaan na siya ngayon? Pinasundan mo ba?" "Don't worry. Nakasunod na sa kanya ang dalawang unggoy nating kaibigan. Tatawagan ka na lang nila kung may balita na." "Okay, Franco. Maraming salamat." Aniya saka nagpaalam na sa kaibigan. Pabagsak na ibinaba ni Luis ang kanyang cell phone. Nagtatagis ang bagang nito. Namumula ang bagong shave niyang pisngi sa galit na nararamdaman. Hanggang ngayon hindi pa rin niya makalimutan ang pang-iiwan ng dating kasintahan. Lahat naman ibinigay niya sa dalaga. Kaya wala siyang maisip na dahilan kung bakit na lang ito nawala nang walang paalam. At sa araw pa mismo ng second anniversary nila. Kaya ganoon na lang ang galit niya nang bigla na lang itong naglaho na parang bula. Nasa labas na ng airport si Sophia habang hinihintay ang magsusundo sa kanya. Tinanggal niya ang kulay itim at bilugang sunglasses at ipinatong iyon sa kanyang ulo. Hinubad nito ang suot niyang makapal na jacket dahil malamig sa bansang pinagmulan niya. Sleeveless na kulay pula at hapit sa katawan ang suot niyang blouse na pinarisan ng maluwang na uri ng pantalon. Bago paman siya tuluyang lumabas ng airport kanina, pinalitan na niya ng flat shoes ang suot niyang winter boots. Nakangiti siyang tumingala sa maaliwalas na kalangitan. Matagal na panahon din niyang hindi nasilayan ang mga ulap ng mahal niyang bansa na pansamantala niyang iniwan. "Miss Jimenez?" tawag ng boses lalaki sa kanya. Kumurap-kurap muna ito dahil lumabo ang kanyang paningin. "Yes. Ikaw ba iyong pinasundo ni Cecilia sa akin?" nakangiti niyang sagot sa may edad ng lalaki na nakatayo sa harapan niya. "Opo ma'am. Ako po si, Kaloy," saad naman ng lalaki saka isa-isa ng binuhat ang dalawa na may katamtamang laki niyang maleta. "Paano niyo po ako nakilala, Mang Kaloy?" tanong nito habang inaalalayan siya ng matanda upang makapasok sa likuran ng kotse. "Ito po, o," sabay lahad ng larawan niya nang makapasok na matanda sa driver side ng itim na Mercedes. Larawan niya iyon kuha mula sa pag-uusap nila ng kaibigan kanina habang naghihintay ito ng flight niya papuntang Pilipinas. Tumango-tango na lang ang natatawang dalaga. Camera addict kasi 'yong kaibigan niya. Noon paman sa Canada ay hilig na talaga ng kaibigan niya ang mag-selfie. *** "Hey! What's up man!" sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ni Luis nang dumating siya sa bahay ng kaibigan nilang si Hector Montefalco. Ang tinaguriang Playboy ng barkada. Birthday ni Hector kaya kompleto na naman ang magulo nilang barkada. Naroon din sina Franco na kausap niya kanina sa cell phone. Giovanni; The great pretender, Luigi; Ang mahirap sa grupo nila ngunit ito rin ang pinakamasipag nang nag-aaral pa lang sila. Diego; Isa ring playboy. Linggo-Linggo iba-iba. Estefan; Masunurin sa ina. In short, mama's boy. May-ari ng isang international airline ang pamilya nila. Julian; The great architect. Joaquin; hopeless romantic ng barkada at si Martin; the owner of Zamora shipping line company. Kompleto sila maliban na lang sa iba na nasa ibang bansa. Sangkatutak na inuman na naman ang mangyayari sa gabing iyon. Lalo pa't may nagbabalik silang kaibigan. Pasalampak na umupo sa malawak na sofa si Luis. Agad din siyang binigyan ng inumin ni Franco. "Cheers! Para sa pagbabalik ni, Sophia!" saad ni Franco na tiningnan naman niya nang masama. Sabay-sabay nilang nilagok ang laman ng kani-kanilang mga baso. Unang nagbaba ng kanyang baso sa salaming mesa si Luis at agad na tumayo. Nagugutom na ito. Hindi pa ito kumakain simula kaninang tanghalian sa sobrang dami ng kanyang pasyente. Nawawala ang gana niya sa pagkain kapag marami pang nakapilang pasyente at naghihintay na matingnan niya ang mga mata ng mga ito. Maliban sa mura lang kung maningil si Luis, malapit din ang loob niya sa kanyang mga pasyente. Habang kumukuha ng vegetable salad na nakalagay sa mahabang mesa sa gilid ng malawak na sala ng bahay, inakbayan siya ni Hector saka kumuha ng pork barbecue. "Bumalik siya sa dating bahay nila." Saad nito bago sumubo. Napahinto ng pagkuha sana ng barbecue si Luis. Hinarap niya ang kaibigan. Tinanggal ni Hector ang pagkakaakbay sa kanya at seryoso itong tinitigan. Hindi umimik ang lalaki. Bahagya lang itong tumango saka kumuha ng tatlong piraso ng barbecue at sinimulan na ang kumain habang nakatayo pa rin doon sa harapan ng mesa. Pagkatapos niyang kumain, agad na silang bumalik sa iba pa nilang kaibigan. Medyo lasing na ang iba. Ang iba naman ay nagkukuwentuhan sa isang bagay na kung saan ay magkakasundo sila. "Luis, pupunta ka ba sa exhibit ni Cecilia?" ani Julian na nakaakbay sa girlfriend nito. "Oo nga, Luis. Kailangan ni Cecilia, ang suporta natin. Saka for a cost naman at maraming bata tayong matutulungan. Ngayon pa na malapit na ang pasko." Segunda naman ni Martin. "Basta ako, sigurado na akong pupunta." Sagot naman ni Franco. Magkasabay ring sumagot sina Julian, Giovanni, Joaquin at Luigi na pareho ring pupunta. Isa sa mga pasyente niya ang lola ni Cecilia kaya nila ito nakilala. Isang tanyag na pintor ang babae na may isa ng anak na babae at doctor naman ang napangasawa nito. "Pupunta ako. I'm one of the sponsor, remember? At charity ko ang bibigyan nila ng donation," sagot niya saka inubos ang laman ng kanyang baso. *** Pagkatapos maipasok ni Mang Kaloy ang mga dala-dala ni Sophia, agad nang nagpaalam ang matanda matapos masigurong nasa maayos na ang babae. Nakatayo siya sa gitna ng malawak nilang sala. Wala itong pinagbago. Katulad pa rin ito ng dati. Malinis at nasa ayos pa rin ang lahat ng mga kagamitan. Ang dami niyang alaalang naiwan sa bahay na iyon. Mga masasayang alaala nila ni Luis. Magkaklase sila at parehong first year college. First anniversary nila nang yayain niya si Luis na sumama sa bahay nila. Mag-isa lang siyang nakatira doon dahil nasa Canada na nakabase ang mga magulang nito. Masaya silang nanonood ng romance na palabas habang magkayakap na nakaupo sa kulay puti na sofa. Nasa dibdib ni Luis ang ulo niya habang hawak-hawak naman ng lalaki ang maliit niyang braso. Tumingala siya sa nobyong nakatuon ang mga mata sa malaking screen sa harapan nila. Nang mapansin nitong nakatingin ang nobya sa kanya, agad niya itong ginawaran ng halik sa labi. Halik na hindi na naputol at nagtuloy-tuloy na. "Sigurado ka ba rito sa gagawin natin, baby?" ani Luis nang pansamantala niyang itinigil ang paghahalik kay Sophia. Tumango lang ang dalaga habang nakangiti. Mahal niya si Luis. Para sa kanya, si Luis na ang lalaki na gusto niyang pag-alayan ng kanyang kabuuan. Muling hinalikan ni Luis ang dalaga. Bumaba ang halik na iyon sa makinis at maputing leeg ni Sophia. Nagsimula ng maglakbay ang mga kamay ni Luis sa balingkinitang katawan ng kasintahan. Isa-isa niyang tinanggal ang damit ng dalaga. Nang tumambad na sa kanya ang malulusog na dibdib ni Sophia, buong ingat niyang hinawakan ang kaliwa habang nilalaro naman ng kanyang dila ang isa pa. Walang patid ang ungol ni Sophia sa kakaibang kuryente na unti-unting bumabalot sa kanya. Nakaupo siya sa kandungan ni Luis nang nakaharap. Napapahigpit ang hawak nito sa ulo ng binata sa bawat paghimas ni Luis sa kanyang dibdib. Bumaba sa harapan ng suot niyang pantalon ang mga kamay ni Luis. Tinanggal niya ang botones saka dahan-dahan ang ginawang pagpasok ng kamay nito sa namamasa na niyang hiyas. "Ahh!" ungol niya ng maramdaman ang mainit na mga daliri ng lalaki habang nilalaro ang kanya. Napapasabunot ito sa buhok ng lalaki. Nang ipasok ni Luis ang isang daliri nito, mas humigpit pa ang pagyakap niya sa binata. Virgin pa siya kaya masakit kahit pa daliri lang iyon. Nang magsimula ng ilabas-masok ni Luis ang daliri nito, mas lalo pang lumakas ang ungol ng dalaga. "Luis! Ah! Ah!" Ramdam niyang basang-basa na siya. Ipinasok naman ni Luis ang isa pa niyang daliri na mas nagpayanig sa kabuuan ni Sophia. Pakiramdam niya may kung ano'ng lalabas sa kanya anumang oras. "Sabihin mo lang kung masakit baby, okay?" ani Luis na mas binilisan pa ang palabas-pasok ng mga diliri nito kay Sophia. "Aray!" sabay hawak ni Sophia sa ulo niya. Lumingon siya sa likuran at nakita niyang nakatayo roon si Cecilia. "Ang ganda ng salubong mo sa akin. Batok agad. Wala bang welcome party riyan," nakangusong saad nito sa kaibigan. "Ito na ang susi mo. Kinuha ko kay Manang Lanie, kanina pagkatapos niyang punuin ng pagkain itong refrigerator mo," ani Cecilia na nakasunod sa kanya. Pumunta siya ng kusina at uminom ng tubig. Nauhaw doon sa bitin niyang pag-alala sa masasayang araw nila ng dating nobyo. "Salamat." Sabay kuha ng susi sa daliri ng kaibigan na nakatayo sa pintuan ng kusina nila. "Your welcome." Sagot naman ni Cecilia. Sinundan lang niya ng tingin ang dalaga habang maingat itong naglalakad patungo sa sala. "Pupunta ang tropa niya sa gallery natin. Hindi ko lang alam kung pupunta rin siya," aniya na nagpatigil sa paglalakad ng dalaga. Lumingon ito sa kanya na nakatayo pa rin sa pintuan ng kusina. "Kailangan ko siyang harapin habang kaya ko pa, Cecilia." Nakangiti nitong sagot. *** Malalim na ang gabi at nagsiuwian na rin ang mga bisita ni Franco. Iilan na lang ang naiwang bisita ng kanyang kapatid. Habang ang mga kaibigan naman nito ay pinag-uusapan na ang tungkol sa pagbabalik ni Sophia. "Paano mo siya haharapin, Luis? Hindi puwedeng mag-iiwasan na lang kayo. There's a big possibility na magkikita kayo. Maliit lang ang mundo man," ani Luigi saka nilagyan ng alak ang kanyang baso. Naroon pa rin sila nakaupong lahat sa sofa. "Alam ko. Pero hinding-hindi ko siya pupuntahan. Siya itong nang-iwan sa akin nang walang paalam. Kaya siya dapat ang maghanap kung nasaan ako." Madilim ang mukha na sagot nito. "Sigurado ka ba na ikaw ng binalikan niya rito? Masyado kang assuming, Luis," sabat naman ni Hector. "Sabi ko sa 'yo, huwag kang magsasalita ng hindi ko magugustuhan dahil kung magsasalita ka---" "Pupugutan kita ng ulo!" Magkasabay na sagot ng mga nito sa kanya. Naging expression na niya ang "pupugutan ng ulo" Umiiling na lang it na muling nagsalin sa kanyang baso na agad din niyang inubos. Let's see kung ano'ng dahilan ng pagbabalik mo baby. Itutuloy____ Naks! Akoy mangangahas sa ganitong genre. Sana mabigyan ko ito ng hustisya! Linggo-linggo lang po ang update ko nito. Sana suportahan niyo. Salamat! Love... Love... iamdreamer28 ʕ•ٹ•ʔ❤❤❤

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook