Continuation... Unedited Nang mapatunayang isa nga si Sophia sa mga pasaherong nakasakay sa isa sa mga eroplano nina Hector patungong Canada, walang sinayang na oras si Luis. Nagpasya agad itong sundan ang dalaga. "Hindi ganoon kadali ang sundan si Sophia sa Canada, Luis! Makinig ka nga!" Mataas na ang timbre ng boses ni Luigi. Hindi na kasi ito nakikinig sa kanila. Paano niya hahanapin ang babae gayong ni hindi nga niya alam ang eksaktong address nito sa Canada? "Akala mo ba ganoon kadali iyon? Mag-isip ka nga! Bakit hindi na muna natin hintayin na tumawag si Sophia? Sigurado naman tatawag 'yon. Alam naman niyang may mag-aalala sa kanya rito," Pabagsak na umupo sa sofa si Luis. Nakatukod ang dalawang siko nito sa magkabilang tuhod niya at ikinulong ang mukha sa sariling mga pala

