Unedited Hindi kumibo si Luis. Hinayaan niyang magsalita ang ina ni Sophia. Alam niyang may mabigat itong dahilan kung bakit pinili nitong ilihim sa kanya ang tungkol sa mag-ina niya. Hindi niya kilala ang pamilya ng dalaga. Ni picture walang ipinakita si Sophia sa kanya. Hindi rin alam ng mga magulang ni Sophia nay may boyfriend ito sa Pilipinas. Bumuntong-hininga ito saka hinila ang upuan sa harapan ng pahabang mesa. Lumapit na rin si Luis at umupo sa harapan ng ginang. "I'm sorry. I'm sorry kung nagawa ko mang ilihim sa 'yo ang mag-ina mo. Ayaw kong mawala sila sa akin. Sila na lang ang natitira kong lakas. Maaga akong iniwan ng ama ni Sophia, at hindi ko na kakayanin na pati ang kaisa-isa kong anak ay iiwanan rin ako. Alam kong hahanapin ka niya kapag sinabi ko noon ang tungkol sa

