Chapter 1
Pagkagising ko ay naligo na agad ako at pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform pamasok sa school. Simple lang ang ayos ko kapag pumapasok ako, hindi ako nag-aayos at hindi rin ako naglalagay ng make up. Hinayaan ko lang na palaging nakalugay ang mahabang buhok ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si nanay nagluluto si Kusina.
"Anak, gising ka na pala. Kumain ka na muna dahil paluto na rin naman ito."
"Huwag na po, nanay. Sa school na ako kakain mamaya. Itabi mo na lang yan para may makain ka habang wala ako dahil madaling araw pa po ako makakauwi mamaya." Wika ko kay nanay habang nagsusuot ako ng sapatos.
Pagtayo ko ay nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel at diretsong ininom ko.
"Pero anak, mas mahalaga kapag nakakakain ka ng almusal."
Pagkatapos kong uminom ay lumapit ako kay nanay.
"Ikaw lang naman ang inaalala ko, nanay. Gusto ko ay may pagkain ka habang wala ako. Mag-stay ka na lang muna dito sa bahay at huwag ng kung saan-saan pumunta, ha? Huwag magpapagod." Bilin ko pa kay nanay na para bang hindi ako ang anak.
"Ikaw nga ang inaalala ko. Hindi ka na nakakatulog ng maayos. Baka kung mapano ka niyan. Mahirap bang maging waiter doon?"
"Nanay, kailangan kong magsikap dahil dalawang semester na lang naman ang gugugulin ko. Pagkagraduate ko ay makakahanap din ako ng maayos na trabaho. Huwag nyo na po akong aalalahanin. Malakas ako, nay."
"Basta, palagi kang mag-iingat. Kapag pagod ka na ay magpahinga ka."
"Opo, nay..." wika ko sabay halik sa pisngi niya.
Kinuha ko na ang bag kong naglalaman ng gamit ko sa school pati na ang paper bag na naglalaman naman ng uniform ko sa club. Ang alam ni nanay ay waiter ako ngunit isa akong mask dancer doon. Sasayawan ko lang ang costumer and that's it! Bayad na ako. Bawal kami i-table ng kahit na sino dahil may babae na para dun talaga.
Sumakay ako ng tricycle at nagpababa sa labas ng gate ng aking pinapasukan na eskwelahan. Friendly ako pero ni isa ay walang nakakaalam ng trabaho ko. Isa pa, kapag nalaman ng principal ang klase ng trabaho ko ay baka isipin nila na kasiraan ako sa eskwelahan at tanggalin ang scholarship ko na nasasakop ang kalahati ng bayarin ko sa school.
Maaga akong nakarating sa school pero ang start ng first class ko ay 9 pa ng umaga. Alas siete pa lang kaya may dalawang oras pa ako para makatulog. Kaibigan ko ang nurse dito sa clinic ng eskwelahan kaya naman tuwing umaga ay dito na ako dumidiretso at natutulog sa higaan nila.
Alas singko ako palagi ng umaga nakakauwi. Iidlip lang ako at pagkatapos ay liligo na. Hindi ko nga alam kung paano ko pa ito kinakaya pero makatulog lang ako ng tatlong oras ay sapat na sa akin. Matalino naman ako sa klase at hindi ko hinahayaan na bumagsak ang grades ko. May mga time lang na sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat pero nawawala rin naman kapag iniinuman ko ng gamot.
Humiga ako at ipinikit ko muna ang mga mata ko. Sa sobrang antok ko ay nakatulog agad ako.
Nagising lang ako sa masuyong tapik sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay si Ate Yuri pala-ang nurse namin dito sa school.
"8:55 na. May time ka pa para mag-retouch, Yanna." Biro niya pa sa akin. Bumangon naman ako habang naghihikab pa. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para mawala ang pagkaantok ko.
"Ate Yuri. Hilamos lang ang kailangan ng mukha ko. Wala ng ire-retouch." Balik na biro ko rin sa kanya.
"Siya, sige na. Pumunta ka na sa banyo at magsisimula na ang klase nyo."
"Thanks, Ate Yuri."
Mabilisang paghihilamos lang ang ginawa ko. Pinunasan ko lang ng tissue ang mukha ko and that's it! Tapos na ako.
Nagpaalam na ako kay Ate Yuri. Pinabaunan pa nga niya ako ng sandwich at mineral water dahil alam niyang wala pa akong kain-kain.
Pagpasok ko sa classroom ay saktong dating din ng professor namin. Kinuha ko na ang ballpen at notebook ko at seryoso na akong nakikig sa paglelecture niya. Bawat sinasabi niya ay isinusulat ko sa notebook para kapag exam na ay may narereview ako.
Hindi naman sana ako mahihirapan ng ganito kung hindi sumama si Daddy sa ibang babae. Mayaman ang sinamahan niya. Medyo bata pa din, I think nasa 20 plus lang yun. Nagtataka nga ako kung bakit sumama yun kay tatay gayong hindi naman mayaman si Tatay pero gwapo pa rin at matikas.
Naalala ko pa nung madatnan ko silang nag-aaway. Sinabi niya kay nanay na kaya niya iiwan si Nanay ay dahil pangit at losyang na daw si nanay. Ganun ba talaga ang mga lakake? Kapag hindi na maganda at sexy ang babae ay pinapalitan na at naghahanap na ng iba?
"Ikaw, Arianna? Anong masasabi mo sa--" wika ni Prof ngunit napahinto ng biglang dumating ang next Professor namin. Napakahaba na pala ng nalakbay ng isipan ko at hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase.
Napatitig ako sa dumating na Professor dahil para bago siya sa paningin ko. Mukhang bata pa, hindi kagaya ng ibang prof. namin dito na may edad na. Nagbulungan pa ang mga kaklase ko sa likuran, siguro ay dahil napansin din nila na may bago kaming professor.
"Siya pala ang pumalit kay Professor Alcala. Nagkasakit daw kaya kinailangan mag-resign." Ani Nina na katabi ko sa upuan. Sa sobrang busy ko na sa pag-aaral at trabaho ay hindi ko na nabalitaan na nag-resign na ang isang professor namin.
Ibinaba niya ang libro sa unahang table namin at iba pang mga folders. Tiningan niya kami isa-isa. Nakatitig ako sa kanya kaya ng mapatingin siya sa akin ay agad na nagtama ang mga mata namin ngunit agad naman akong umiwas ng tingin.
"By the way, I am new professor in english. I am Professor Levi Sebastian, but you can call me Prof. Levi. You can approach me every time as long as it's about the subject I'm teaching, okay?"
English teacher kaya english speaking din. Umayos ako ng pwesto. Dumiretso ako ng upo habang nakatitig at nakikinig sa kanya. Kinakagat-kagat ko pa ang aking ballpen dahil tila ba naging interesado ako sa klase ng pagtuturo niya. Kung gayon pala ay bawal siyang lapitan kapag hindi tungkol sa English subject niya.
"This is your major subjet. I hope you all cooperate. I don't want lazy and noisy people in my class, okay? I will only say this once and anyone caught violating what I said will be punished accordingly. Understood?"
"Yes, Sir!" Sabay - sabay na sagot ng mga kaklase ko. Ako lang yata ang hindi bumuka ang bibig.
Nagsimula na siyang magsulat sa whiteboard. Nagsimula na rin akong kopyahin yun para mabilis akong matapos. Sa tingin ko ay napaka-strikto niya at isang mali mo lang ay mapaparusahan ka na agad. Napaisip tuloy ako kung anong parusa naman kaya ang ibibigay niya sa mahuhuli niyang magkakamali.
Busy ako sa pagkopya ng sikuhin ako ni Nina.
"Ang gwapo niya, nuh?" Wika nito sa gilid ko. Pero dahil ayaw kong maparusahan ay hindi ko siya pinansin. "Naku! Ha-hunting-in ko siya mamaya!" She giggled. Naiiling na lang tuloy ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko papatulan ang kadaldalan niya dahil ayaw kong maparusahan.
"Ang gwapo talaga niya! Nakakagigil!" Sabi naman ni Fiona dito sa kabilang gilid ko. Sinenyasan ko na silang dalawa na huwag silang maingay. Pabulong lang yun pero imposibleng hindi sila maririnig na dalawa.
"Ang kj mo naman masyado!" Sabi pa ni Fiona sabay irap sa akin. Naiiling na lang ako sa katigasan ng ulo niya ngunit pare-pareho kaming nagulat ng biglang magsalita si Prof. Levi!
"Who's talking behind my back?!" Wika nito sa mataas na timbre ng boses ngunit mas nagulat ako ng ako ang ituro ng dalawa rito sa tabi ko!
"Si Yanna, Sir!" Sabay pang sabi nila.