"Ah--Eh--sige na anak. Asikasuhin mo na muna siya. Pupunta lang ako saglit kina Isang dahil may naiwan pala ako dun--" mahinang bulong pa sa akin ni nanay ng marinig na tila ba pinuna ni Sir Levi ang oras ng pag-uwi ko. "Nay naman eh. Huwag mo naman akong iwan dito. Pwede namang bukas mo na kunin eh--" bulong ko rin kay nanay. Para tuloy kaming mga bubuyog na nag-uusap kaya napapakunot ang noo ni Sir Levi. "Sige na, anak. Mag-date muna kayo. Dalawang oras ko na kasing kausap yan. Kaya ikaw naman ang kumausap!" Nagmamadaling saad ni nanay. "Nay--" at pagtingin ko nga ulit sa gilid ko ay wala na si Nanay! Nagmamadali pa talaga siyang maglakad paalis! Ano ba kasing napag-usapan nilang dalawa at umalis pa talaga siya para iwan kami? Pagkaalis ni nanay ay tuluyan ko ng hinarap si Sir Levi.

