Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at puting kisame nga agad ang bumungad sa akin. Pagtingin ko nga sa may gilid ko ay si nanay agad ang bumungad. "Nay? Nasaan ako?" Agad na tanong ko kay nanay. Bahagya sana akong babangon ngunit ng makaramdam ako ng sakit sa tagiliran ko ay napahiga ako ulit. "Anak, huwag ka na munang kumilos. Baka dumugo ang sugat mo..." wika ni nanay sa akin. "Sugat?" "Oo, anak. Nasaksak ka sa daan. Hindi mo ba naalala?" Sabi pa ni nanay na tila ba ngayon lang din nag-process at naalala ng utak ko ang nangyari sa akin. "Mabuti at may taxi driver na nakakita sa'yo at nagmagandang loob ng tulungan ka at dahil ka agad dito sa hospital. Kinontak naman agad ni Doctor Osmond si Levi, at sinundo naman ako ng teacher mo sa bahay at inihatid dito." Pagkukwento

