"Are you okay?" Tanong sa akin ni Jarred. Aminin ko man o hindi pero naiinis ako. How dare he use my cousin over me? No. I'm not jealous. Ang iniisip ko lang talaga ay si Feriana. Ayaw kong magkasamaan kami ng loob kapag nalaman niya ang totoo. "Oo, Jarred. Okay lang ako." Pagkasabi ko nito ay hindi ko alam kung bakit biglang huminto ang sasakyan niya o sadyang itinigil niya ang pagmamaneho. "Alam ko ang naging relasyon nyo ng Levi na yun..." mahinang sambit niya, "Curious lang ako. Anong nangyari? Bakit ngayon ay tila ba hindi kayo magkakilala?" Sa halip na sagutin ko siya ay huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. "Okay. Hindi na ako magtatanong--" "That's all in the past, Jarred. I hope you don't mind." Sabi ko na halos sabay lang kaming nagsalita. Ang pinagkaib

