Mangiyak-ngiyak akong napahawak sa pisngi ko. Sa lakas ng sampal ni nanay sa akin, sa tingin ko ay bumakat ang kanyang limang daliri rito. "N-nay... M-magpapaliwanag po ako--" sabi ko pa ngunit hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla ulit akong sampalin ni nanay. "Anong ipapaliwanag mo, ha, Arianna?!" Galit na galit tanong niya sa akin. "Nay--" sasampalin sana ulit ako ni nanay ngunit iniiwas na ako ni Levi. Iniharang niya ang sarili at dinala ako sa may likuran niya. "Ako na lang po ang saktan nyo, huwag si Arianna. This is all my fault. Pinilit ko siya na sumama sa akin." Kalmadong pagtatanggol sa akin ni Levi. Mababa ang boses niya at hindi pinagtaasan ng boses si nanay. Nang magsalita nga si Levi ay siya naman ang tiningnan ni nanay ng masama. "Buong akala ko ay nagk

