Sa halip na isipin ko si Sir Levi ay nagfocus na lang muna ako kay nanay na nagising na mula sa mahaba-habang pagkakatulog niya. "Kamusta nanay? Ang pakiramdam mo okay naman po ba?" Bahagya namang ngumiti sa akin si nanay pero halatang pinipilit lang niya. "Ayos lang naman ako anak. Ang tatay mo narito ba?" Nabigla naman ako sa naging tanong ni nanay. Sa tingin ba niya ay babalik sa kanya si Tatay kapag nalaman nito na nasa hospital siya? "Wala siya dito nanay." "Hindi na talaga niya ako mahal. Buong akala ko ay pera lang ang habol niya sa babaeng yun ngunit hindi pala talaga. Akala ko ng makita niya ako kanina ay pupuntahan niya ako at kakamustahin pero hindi pala dahil mas ipinakita pa niya kung gaano siya ka-sweet dun." Hindi ako nagsasalita at pinapakinggan ko lang ang hi

