"Arianna? Gusto mong sumama sa'kin?" Alok ni Jen. Uwian na pero narito pa ako sa library dahil sa nalalapit na exam namin. Malapit na rin ang sembreak kaya excited din akong matapos na ang lahat ng dapat kong tapusin. "May tinatapos pa kasi ako pero mabilis na lang 'to. Mahihintay mo ba ako?" "Ano ba yan? Patingin nga?" Aniya at lumapit sa may gilid ko at sinilip kung anong ginagawa ko. "Last page na 'to." Wika ko pa. "Sus! Ngayon mo lang ginagawa yan? Tapos na ako dyan eh. Pero sige, hintayin na lang kita." Aniya at umupo na sa tabi ko. "Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko pa habang patuloy ang pagsusulat ko. As a scholar ay need ko ma-maintain ang grades ko kaya hindi ako pwedeng basta na lang magpabaya. Although, meron na akong pambayad para sa next sem pero mas okay pa rin na

