Habang umaandar ang sasakyan, they keep talking and talking habang ako ay tahimik lang dito sa likod ngunit pagtitingin ko sa side mirror ay nakikita ko siyang sumusulyap sa akin kaya umiiwas na lang ako ng tingin. "So, Feriana, do you have a boyfriend?" Malamyos na tanong niya rito. "P-po? B-boyfriend? Naku! Wala po! Wala pa po sa isip ko yan!" Hindi magkaintindihang sagot ni Feriana. Halata sa kanya ang kaba habang sinasagot ang tanong nito. "Oh? You seems so very good girl, huh?" Ani Levi. Nakaramdam na naman ako ng inis kaya humalukipkip ako at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Kailangan pa ba talaga niyang itanong yan na naririnig ko? Sa totoo lang ay itinatago ko lang ang inis ko sa kanya dito sa likuran ng mismong inuupuan niya. Pero sa isip ko ay pinag

