Chapter 3

1647 Words
Tapos na akong kainin ang sandwich ko pero nahihiya pa akong tumayo dahil hindi pa siya natatapos. "Yan lang ang kinain mo? Hindi ka ba magugutom niyan?" Tanong pa niya sa akin. "Hindi naman, Sir Levi. Okay na po ito sa akin at tsaka sanay na rin po ako." "Oh, that's why you look so thin." Sabi pa niya. Napangiti na lang ako ng alanganin sa kanya. Payat pa pala ako sa paningin niya? Pero sabi naman sa akin sa club ay maganda ang katawan ko at malaman pero flat ang tummy ko, malaki rin ang dibdib ko kaya nagmistulang perpekto ang katawan ko lalo na kapag sumasayaw ako sa harapan ng mayayamang costumer doon. "Uhm, Sir? Mauna na po ako. May lakad pa po kasi ako mamayang hapon." "A date?" "N-naku! H-hindi po. Hindi po uso sa akin ang date at never ko pa po nagawa yun. May work po kasi ako. Working student po kasi ako." "Ganun ba. Ang sipag mo naman pala. Isa kang huwarang estudyante dito." Sa sinabi niya ay naging alangan ang pag-ngiti ko. Kung malalaman lang sana niya ang klase ng trabaho ko ay baka paalis na niya ako dito sa paaralan. "Alis na po ako, Sir Levi!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa niya at tuluyan na akong umalis. Dumiretso ako sa locker para iwanan ang mga gamit ko kagaya ng notebook at libro nang sa gayon ay wala na akong bitbit mamaya kundi itong uniform ko. Need ko rin kasi ilagay sa bag ko dahil baka may makakita na naman nito. Palabas na ako ng locker ng bigla akong harapan ni Fiona, kasama si Nina at ang isa pa naming kaklase. "Look who's here? Kunwari ka pa na paayaw-ayaw. Pinipigilan mo pa kami sa pag-iingay pero ikaw naman pala itong malandi! At talagang inunahan mo pa akong makipagdate kay Prof. Levi!" Aniya habang nakahalukipkip sa daraanan ko palabas. "Nagkakamali ka yata, Fiona. That's not a date. Sumabay lang siya ng pagkain dahil wala siyang kasabay kanina." "Ow? Really? Kaya pala kahit tapos ka ng kumain ay nakaupo ka pa rin sa mesa na kinakainan niya?" Napakunot na ang noo ko at nakaramdam na rin ako ng inis. "Ano bang pakialam mo sa akin, Fiona? Pinakikialaman ko ba ang buhay mo? Kung yung pagsabay sa akin ni Sir Levi ang pinoprobleme mo e di sumabay ka rin sa kanya!" Matapang na sagot ko na. Akala yata niya ay kaya niya ako! "Aba at lumalaban ka? Baka nakakalimutan mo na scholar ka lang dito! Kaya kitang ipatanggal anytime na gustuhin ko!" "Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng eskwelahang ito?" "No. Not me. Pero shareholder ang daddy ko rito!" "Tss! Do what ever you want, Fiona!" Lalampasan ko sana siya ngunit nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hilahin ang buhok ko! "Halika rito! Malandi ka!" Hindi ko napaghandaan ang ginawa niyang paghila sa buhok ko kaya naman sobrang sakit na ng ulo ko. Pilit kong hinahawakan ang buhok ko para maagaw ito sa kanya pero ayaw talaga niya akong bitawan. "What happening here?" Rinig kong boses ni Sir Levi. Agad namang binitawan ni Fiona ang buhok ko at humilira silang tatlo. "Pero, Sir! Si Arianna po kasi ang nauna." Sumbong pa talaga niya kahit siya na ang naabutan na nananakit. Nakita ko pang sinisiko niya ang mga kaklase namin para ipagtanggol siya. "O-opo, Sir! Si Arianna po talaga ang nauna!" Sabi nung transferee. I don't even know her pero para bang may galit na agad siya sa akin. Si Nina naman ay tahimik lang at hindi nagsasalita sa tabi ni Fiona. Inayos ko lang ang buhok ko at hindi ko na ipinatanggol ang sarili ko. Ayaw ko kasing lumaki pa dahil baka makarating sa principal ang nangyari. "O-okay lang po ako, Sir Levi. It's only misunderstanding po. Sige po. Mauna na po ako." Bitbit ko ang paper bag na naglalaman ng uniform ko sa club ay nagmamadali na akong umalis. Pasakay na ako sa tricycle ng may pumigil sa kamay ko. Nagulat ako at biglang napatingin sa kanya. "Sir Levi? Bakit po? Ipapatawag nyo po ba ulit ako sa office?" Yun agad ang naging tanong ko. Napatingin pa ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Pero dahil may mga nakakakita sa amin ay inagaw kong bigla ang kamay ko. "Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo?" Sa sinabi niya ay napatitig ako sa kanya at ganun din naman siya sa akin. "Hindi na po kailangan. Share holder po ang Daddy ni Fiona sa eskwelahan. Ako naman ay scholar lang nila. Hindi na po ako lumaban dahil alam kong wala rin mangyayari. Isa pa, alam kong ako rin ang talo sa huli. Ayaw ko rin pong mawala ang scholarship ko kaya mas mabuti pong umiwas na lang ako sa gulo." Mahabang paliwanag ko. Napansin ko naman ang paglamlam ng mga mata niya. Ako naman ay ngumiti ng bahagya sa kanya. Nang hindi na siya nagsalita pa ay tuluyan na akong nagpaalam. "Sige po, Sir Levi. Salamat po sa pagtulong mo sa akin doon. Kung hindi ka po dumating ay baka nakalbo na po ako. Alis na po pala ako. Baka po kasi ma-late pa ako sa work ko." "Okay. Take care, Arianna..." muli ay nginitian ko siya ulit at pagkatapos ay sumakay na ako sa tricycle na pinara ko. Habang papalayo ang tricycle ay nakatayo pa rin siya doon at nakatanaw sa akin. Nagkibit - balikat na lang ako at itinuwid ko na ang tingin ko sa unahan ng tricycle. Bawat araw ay pahirap ng pahirap ang nararanasan ko. Hindi ako mahilig sa away kaya hangga't kaya kong iwasan ay gagawin ko. Ayaw ko ng gulo at ayaw ko rin na madagdagan pa ang sakit ng ulo ko. Pagkarating ko sa club ay nagbigay agad ako kay Kuya Roger ng bayad. Kilala ko na siya kasi siya ang palaging naghahatid sa akin dito. "Bukas po ulit, salamat po sa paghatid!" Hapon pa lang pero parang medyo madilim na agad ang paligid. Halos isang oras din kasi ang byahe ko bago ako makarating dito. Malayo ito sa eskwelahan ko kaya alam kong malabong makarating dito ang sinuman sa mga lalakeng kaklase ko. Isa pa, hindi rin naman ako makikilala dahil nakasuot naman kami ng silver mask sa kalahati ng aming mukha at punong - puno kami ng kolorete sa aming katawan at mukha. Para na ngang nagiging ibang tao kami kapag naayusan at nabihisan na. Pagkapasok ko ay nagpakita muna ako sa manager namin para naman alam niyang present pa rin ako. "Medyo maaga ka yata ngayon, Arianna..." paunang bati pa nito sa akin. "May bakante po kasi akong isang subject kaya dito na po agad ako dumiretso." Alibi ko. Hindi pa naman sana ako aalis ng school kung hindi ako napa-trouble kanina sa kaklase ko. "Good. Oh, siya. Mag-ayos na ka para ikaw ang una kong isasalang sa pag-sayaw mamaya. Maraming mga bitagin ang darating kaya galingan nyo ang pag-giling, okay?" "Yes po, Madam Doray." Bakla ang manager namin dito. Hindi ko pa nakikita ang mismong pinakaboss namin dahil sabi nila ay masyado raw itong busy sa buhay nito. Pupunta daw minsan pero tuwing umaga lang at kung kelan wala ng tao. Dumiretso na agad ako sa aking dressing room. Inihanda ko na ang aking mga gamit at damit sa ibabaw ng mesa para hindi na ako mahirapan pa. Ako na ang naglalagay ng makapal na make up sa mukha ko. Ako na rin ang nagbibihis ng uniporme kong pang-sayaw. Naging independent talaga ako at bibihira pa sa patak ng ulan ang magpatulong ako sa iba. Pagkatapos ko ngang mag-ayos ay siya namang dating ni Paula. Kaibigan ko rin siya at siya ang nagdala sa akin dito. "Oh? Bakit ang haggard mo yata? Hindi ka pa ba natutulog?" Sabog-sabog pa kasi ang buhok niya at gusot-gusot pa ang damit na suot. "Hay naku! Yung jowa ko! Minaya't maya na ako! Gigil na gigil sa akin kaya ayun! Hindi ako nakatulog ng maayos. But don't worry my friend. Make up lang ang katapat ng mga eyebags ko!" Natatawa akong naiiling sa kanya dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin na minaya't maya at hindi pinatulog. Yun ba yung ginagawa ng mag-asawa? Sa maniwala kayo at sa hindi. Kahit na nagtatrabaho ako dito sa club ay virgin pa rin ako. Mas pinili ko ang maging mask dancer para maitago ko na rin ang identity ko sa mga taong pumupunta dito sa club at lalong-lalo na sa pagiging estudyante ko. Hindi ko naman ito ginusto but I have no choice kasi kailangan kong mabuhay, kami ni nanay at matustusan ang pang-maintenance niya. Habang hinihintay kong tawagin ako ay dinagdagan ko pa ang red lipstick ko. "Arianna. Go to VIP ROOM number 6." Nang marinig ko na ang anunsyo kung saang room ako pupunta ay tumayo na agad ako. Humarap muna ako sa salamin at inayos ang damit na suot ko. Naka-all white ako ngayon. Skirt na white at croptop na white na pinatungan sa ibabaw ng silver na net. Kahit na araw-araw ko na ito ginagawa ay kinakabahan pa ako lalo na kapag pumapasok sa isip ko na... paano kung may makakilala sa akin na taga - labas? Pagkarating ko sa VIP number 6 ay huminto muna ako saglit sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim. Binuksan ko na ang pintuan at saka ako tuluyang pumasok sa loob. May mga nakahandang alak roon at pagkain at mukhang galante rin ang aking sasayawan ngayong gabi. Pa-suspense pa nga ito dahil nakatalikod pa. "Good evening, Sir. I am the one who was assigned to this room. Should I start dancing?" Tanong ko pa lalake habang nasa tapat na ako ng pole dance. "Well, I guess so..." at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng makita ko kung sino ang nandirito sa loob ng VIP room!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD