"Paano pala tayo nakauwi kagabi?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang kumakain kami kasi as in wala na akong maalala pagkatapos naming gawin ang kababalaghan dun sa VIP Room na yun! Napatingin naman siya sa akin habang natatawa pa saka itinigil ang pagkain at ibinigay sa akin ang buong atensyon niya. "Hindi mo maalala?" Aniya na para bang natutuwa pa na wala akong maalala. "Hindi. As in wala talaga akong maalala," pagsasabi ko ng totoo. Pilit ko ngang iniisip pero sumasakit lang ang ulo ko pero wala ni isang pumapasok na eksena. Iniisip ko nga kung inayos ba niya ang damit ko kagabi dahil siguradong amoy tequila pa ako. Ikaw ba naman ang buhusan ng alak! "See? Dumarating talaga tayo sa punto na kapag sobrang lasing na ay wala talaga tayong maalala. Kaya huwag na huwag kang iinom

