"Can you take me to the drug store?" "Why?" "B-bibili lang ako ng pain reliever. Hindi ako pwedeng pumunta sa hospital na hindi okay ang paglalakad ko. Magtataka sila dahil kahapon naman ay okay pa ako." "Well, there's a big difference between yesterday and today, Arianna." He said, but sounds sarcastic. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin kaya ngumiti na lang ako ng bahagya at nanahimik na. Nagmaneho na rin siya palabas ng malaking gate nila. Mukhang puro mayayaman ang nakatira sa compound na yun dahil hindi ka basta-basta makakapasok sa loob ng wala kang kakilala sa nakatira sa kanila. "Hindi ka pa kumakain, pwede tayong dumaan sa drive thru." Aniya. "Uhm, take me to drug store first." "Okay." Huminto nga siya sa isang fastfood. Eksakto naman na meron din itong katabing

