I'm The Billionaire Slave
"ma ako na po diyan". agad ko kinuha ang dalang basket ni mama na naglalaman ng pinamili Niya sa palengke.
"kaya ko ito anak". pero kinuha ko parin ang dala Niya.
"ma, ilang beses ko po ba sasabihin sa Inyo na magpahinga po Muna kayo baka mabinat ka niyan" kakagaling niya lang Kase sa sakit niya kaya nag-alala lang Ako .
umuna siya at tinapik ako "ayos lang Ako anak " napangiti naman ako ng ngumiti siya sa akin. at niyakap ko siya.
"Ikaw talaga tigas talaga nalang ulo mo" natatawa kong Sabi. " ma" tawag ko habang magkayakap kami.
"hmm" kumalas na Ako sa pagkayakap at hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa mga hita niya.
"tumawag Pala sa akin si Faye " pagsisimula ko. pero nanatili lang siyang wala imik. " m-may nahanap na daw siyang work sa...uhm sa m-maynila " kita ko naman sa mga mata niya ang pagkagulat kaya napayuko nalang ako. I don't want to leave her here, pero sayang kikitain ko sa maynila pag nagkataon . napaangat ako ng tingin ng mapansin kong hindi siya umiimik .
"sigurado kana ba Jan anak ?" kita ko sa mga mata niya ang pag-alala. dahan-dahan akong tumango at napangiti naman siya. "kung Ganon , mag iingat ka don ,palagi mo akng tatawagan para masigurado ko na okay ka lang don. at kung nahihirapan ka dun pwede ka bumalik ulit dito . kaya naman natin kahit hindi ka na magtrabaho sa malayo . Pero kung yan ang gusto mo " ngumiti Muna siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko . "...susuportahan kita ." dahil sa tuwa niyakap ko sya ng mahigpit pero saglit lang Yun .
"Thank you ma , pangako mag-iingat Ako dun at tatawag Ako dito on time ." napangiti naman siya at kinulong niya sa dalawang palad niya ang Mukha ko.
"pasensya kana ha ? kase kung nabubuhay lang ama mo Hindi mo kakailanganin malayo sa akin para lang magtrabaho,pasensya kana anak." napailing ako at tinanggal ko ang mga kamay nya sa muka ko at hinawakan ito.
"no ma. walang may gusto mawala si papa ,at obligasyon ko ito bilang anak niyo . ito ang isa sa mga pangarap ko ang bigyan ka ng magandang buhay ."
"salamat. napakaswerte talaga namin Sayo ng papa mo bukod sa maganda na matalino at mabait pa " napangiti nalang ako . "kelan ba alis mo ?"
"baka b-bukas daw po " tumango naman siya. "at ma binilin na din kita Kay Faye na siya lang Muna ang makakasama mo habang Wala ako. babayaran ko nalang siya. " nakangiti kong sabi.
" kaya ko naman anak eh nag-abala ka-"
" no ma ! I know kaya mo ,pero mapapanatag lang ako pag may kasama kayo dito ." ginulo naman niya ang buhok ko Bago siya tumungo sa kusina .
"oh siya sige magluluto na Ako ng ulam para makakain na tayo at makatulog ng maayos ."
Mahirap man para sa akin na iwan siya mag-isa , pero kakayanin ko mag-iipon lang ako pang patayo ng negosyo dito at sa pang kolohiyo ko . 1year lang naman kinuha Kong kontrata dahil Wala akong balak huminto ng pag-aaral ng dalawang taon.
Pagkatapos ni mama magluto, inayos ko na din ang mesa at kumuha ng Plato at baso , at Ako narin ang nag-asikaso . nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng may kumatok Bigla, Ako na nagpresenta magbukas .
"oh Faye Ikaw Pala , halika pumasok ka Muna at Kumain " pumasok naman siya at dumeretso sa kusina , sinara ko muna ang pinto Bago sumunod . "bat ka Pala napasugod dito ? eh bukas ng hapon pa naman ako aalis ." sumubo Muna siya ng isang beses at uminom bago lumingon sa akin at nailang ngumiti.
"ang totoo nyan friend tinawagan ako ng kaibigan ko ,mamayang madaling-araw ka na daw aalis " agad naman Ako napatingin sa pwesto ni Mama pero nagpatuloy lang siya Kumain.
"ha eh b-bakit daw ?" kanina ko pa nga lang sinabi Kay mama about dito tapos mamaya agad alis ko .
"Hindi ko rin alam eh ,"
Hindi ko na magawang magsalita at pinatuloy nalang namin ang pagkain. pagkatapos namin Kumain si Faye na nagpresenta na maghugas ,kaya may time Ako kausapin si mama .
"ma pasensya na ha , Hindi ko naman alam na mamaya na Pala Ako aalis " tanggap.ko kung magtampo at Magalit siya sa akin. Ikaw ba naman kanina lang nagsabi na magtatrabaho Ako sa maynila tapos alis agad mamaya.
"okay lang anak , ayus lang sa akin yon " na pout naman ako sa mga sinabi nya.
" pero bakit Wala kang imik kanina ?" patungkol ko kanina na Hindi mnlang siya nagreact sa sinabi ni Faye .
"yon ba ? Wala yun nalungkot lang ako na malaman ko mamaya na alis mo." nakangiti niyang sabi pero mas Lalo bumasangot ang muka ko kaya napatawa naman siya ." wag mo na Ako alalahanin anak ,okay lang Kay mama . inaamin ko mamimiss lang kita Kase Ngayon lang Tayo maghihiwalay ,pero susuportahan parin kita sa mga gusto at pangarap mo . Basta kung San ka Masaya. Masaya narin Ako. " agad ko naman siya niyakap . dun ko na hindi mapigilan ang maiyak . At narinig ko naman ang pagsinghot ni mama .
"mag- iingat ka don ha ? at wag mong masyado pagorin ang Sarili mo dahil Wala Ako dun para alagaan ka pag magkasakit ka . " sunod-sunod naman ang pagtango ko at pinunasan ang Mukha ko bago kumalas sa pagkayakap.
" pangako po ma "
Tinulongan Ako ni mama mag ayos ng mga dadalhin ko . hindi na ako gaano nagdala ng damit , Isang bag at shoulder bag lang ang dala ko . Pagkatapos namin mag-ayos agad naman Ako tumungo sa banyo para maligo , mga alas dos Kase ako aalis dahil may kalayoan ang airport dito sa amin . kaya hindi ko na magawang matulog , sa byahe nalang ako babawe ng tulog.
Pagkalabas ko ng banyo ,bumungad sa akin si mama na abala inaayos ang mga susuotin ko . pinagmasdan ko lang Muna siya ,dahil ito ang last na mamasdan siya ng malapitan sa akin.
"oh nariyan kana Pala , inayos ko lang Yung susuotin mo para mama-". Hindi na tuloy ni mama ang sasabihin niya ng yakapin ko siya bigla. "mag-iingat ka dun ha . at wag Kang magpapagutom don ,at wag mong hahayaan na apihin ka dun ." sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko habang nakayakap parin sa kanya .
Ngayon palang mamimiss ko na siya agad.
"friend andito na ang trycicle"
Agad naman ako humiwalay sa pagyakap kay mama it pinunasan niya ang mga pisnge .
"Sige na , baka malate kapa sa flight mo" Isang mabilis na yakap ang ginawa ko at sabay na kami lumabas.
"Faye Ikaw na bahala Kay mama ha? pag may problema dito tawagan mo Ako agad " tumango naman siya at ngumiti . nilingon ko ulit si mama ."at Ikaw naman mama wag kang pasaway ha , wag mong papagurin ang Sarili mo dahil nakakasama sayo yan . " kunwareng panenermon ko ,at ginulo niya lang buhok ko at ngumiti . "wag moko masyado mamiss ma huh". napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan maiyak .
"oh siya sige na ayu lumarga kana mag iingat ka ,Yung mga bilin ko sayo wag mo kalimutan."
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ng maraming beses Bago sumakay sa trycicle . Hindi na Ako nagpahatid sa airport ,dahil baka magbago ang isip ko at hindi ituloy ang pag-alis.
Habang palayo na yung trycicle na sinasakyan ko , nilingon ko ulit sila mama at hindi nakaligtas sa akin ang pagpunas niya sa mukha.
Sana maalagaan siya ni Faye ng maayos .