FLY: Chapter Ten

2347 Words

NAGISNAN na lang ulit ni Chynna ang kanyang sarili sa bahay ni Koring. Nasa bungad siya ng pintuan at nakatayo lang doon. Duguan ang mga kamay. Nakita niya na nakaupo na si Tomas sa may papag nito at katabi ang nanay nito. May nababanaag siyang saya sa mukha ni Koring habang nakahawak sa kamay ng anak habang si Tomas naman ay wala pa ring emosyon. Bagaman, kung titingnan ito ay buhay na buhay na ito. Normal na ang kulay ng balat at humihinga na rin ito. Inalala niyang lahat ang mga nangyari bago pumasok ang langaw sa kanyang katawan. Ang huli niyang naaalala ay kumakain sila ng hapunan ng kanyang mommy… “H-hindi! Mommy!” Nanginig ang kanyang baba at sunod niyon ay ang pagpatak ng kanyang mga luha. “P-pinatay ko si mommy!” “Tingnan mo si Tomas. Isang puso na lang at buhay na siya! Tuluya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD