EVIL Dead, Wrong Turn, Saw, Grotesque at Human Centipede… Napangiti si Vanessa Reyes nang mabasa niya ang title ng limang gore movies na nakasulat sa lalagyan ng bala ng DVD. 5 in 1 collection iyong ng mga horror movies. Tuwing sweldo sa pinagtatrabahuhan na massage parlor ay dumadaan talaga siya sa bangketa para bumili ng DVD. At ang mga horror movies na may madugong p*****n ang gusto niya. Gusto niya `yong brutal ang tema at hindi kakayanin ng isang normal na tao. Katulad na lang ng hapon na iyon… Suweldo. Halos isang taon na siyang nangongolekta ng mga DVD ng gore movies. Wala naman talaga siyang hilig noon sa ganoong uri ng mga pelikula. Nadiskubre lang niya na mahilig siya sa gano’n nang makipaghiwalay sa kanya ang ex-boyfriend niyang si Russel. Twenty-years old siya nang maging sil

