NANG araw na iyon ay pinagbihis siya ni Russel. Ayon dito ay may pupuntahan silang importante. Hindi naman nito sinabi kung saan sila pupunta kaya may pagtataka na sumunod na lamang si Vanessa. Isang simpleng dress ang kanyang isinuot matapos niyang maligo. Sinuklayan niya ang kanyang buhok at itinali iyon. Paglabas niya ng kwarto ay nasa salas si Russel at nakaupo sa sofa. Hinihintay siya. Napangiti ito nang makita siya. Pinuri siya ni Russel dahil sa kanyang kasimplehan. Naglakad siya palapit sa nobyo at tumayo ito mula sa pagkakaupo. Ginawaran siya nito ng halik sa labi. “Russel, paano kung mahanap tayo ng pamilya mo? Sigurado ako na ilalayo ka nila sa akin,” natatakot na turan ni Vanessa. Hinaplos ni Russel ang kanyang pisngi. “Ano ka ba, `wag kang matakot, okey? Hindi iisipin ng pa

